1,2,3,4,5,6,7,8,9,10
Ito ang aking kwento.
1-Una kung saan una kitang nakita.
2-pangalawa kung saan tumibok ang aking puso at para bang huminto ang ikot ng mundo.
3-pangatlo kung saan ang mga kaibigan ko ang naging daan para ikaw ay aking muling masilayan.
4-pang-apat kung saan naka-usap kita ng malapitan at------------
5-panglima kung saan pumayag ako na makasama ka.
6- anim na beses kitang sinundan at nalaman kung mayroon ka napalang kasintahan.
7-pito ,kung saan nalaman ko na ang tanga tanga ko sayo akala ko magiging tayo.
Sa ganda ng mga numirong ito ikaw lang pala ang sisira sa kwento ko.
8-pangwalo oo nga pala, wala nga palang tayo kaya bakit ako naging adik sayo.Kaya ko toh! kaya kung ituloy ang kwento ko.
9-siyam na beses akong umiiyak at sa kwentong isinulat ko, kaibigan mo lang pala ako .
Samantalang ito ako nasasaktan dahil naghahabol parin sayo , at umaasa parin na magiging tayo.
10- sampu, sampung letra kung saan nasaktan ako ng sobra.
W-A-L-A-N-G T-A-Y-O yan parati ang nasa-isip ko para maka move-on sayo at ito ang aking kwento.
Kung saan ginamit ko ang mga NUMERO hanggang sa SAMPU ng pag-ibig ko sayo na nauwi lang sa walang tayo😔
