We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

PROLOGUE

222 8 2
                                        


Isang napakagandang gabi at engrandeng beach wedding nila Josh at Riza ang naganap. Lahat ng kamag-anak nila ay dumalo sa ispesyal na okasyong iyon.

Pagkatapos ng kasal ay sumakay na sila sa isang yate na pagmamay-ari ng pamilya ni Josh para sa kanilang honeymoon.

Habang mahinang umaandar ang yate. Hinubad ni Josh ang black coat at tinanggal ang tie sabay hagis sa kung saan, binuksan ang tatlong butones sa suot niyang polo na para bang sakal na sakal siya habang lumalapit sa counter bar at kinuha ang isang bote ng alak at pumunta sa May balcony ng yate.

Marahas siyang napabuntong hininga habang binubuksan ang bote ng alak na hawak niya at tinungga ito.

Tatlong buwan na simula ng umalis si Catherine nang hindi manlang nagpaalam sa kanya.

Sa loob ng tatlong buwan na iyon, puno ng katanungan ang utak niya at sa bawat tanong wala siyang naririnig na sagot kundi ang puso niyang sumisigaw sa sakit.

Ngayon klaro na sa kanya ang lahat.

"She never want me the way I want her to be with me and be my woman evermore."

Lies Of LoveStories to obsess over. Discover now