PAGKAGISING ko wala na si Nate sa tabi ko. Agad akong tumayo at hinanap siya pero sulat lang niya ang nakita ko.

Espen,

Alam mo na aalis ako, di ba? Ngayon na 'yon. I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo. Please don't get mad at me. I'll be back. I love you!

Napabuntong hininga ako ng mabasa 'yon. Sana sinabi niyang maaga pala siya aalis para makapagready ako. Para makita ko man lang siya kahit saglet. Maya maya ay tamad na akong bumaba..

"HAPPY BIRTHDAY!" Sigaw ni Patricia pero nawala rin ang ngiti niya "Oh? Bat ganyan 'yang mukha mo?"

Agad akong umupo at sinimulang kumain. Napakunot noo naman ako sakanya nang bigla siyang umupo sa tabi ko at nangalumbaba habang nakatulala sakin.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko

"What's your problem?" Tanong niya

"Wala."

"Ah! Alam ko na. Miss mo si Nate, ano?"

"Hindi.."

"Eh bat ganyan-- ah! Birthday mo kase?"

Inis kong pinalo ang daliri niyang nakaturo sakin. "Hindi ko pa birthday!"

"Pero isang linggo birthday mo sa Sweden, dapat sinecelebrate natin 'yon kahit wala ka doon." Sabi niya

"Wala akong pakialam sa Swe--" Sabi ko

Tinignan niya ako ng masama "Sa Sweden ka nanggaling. Kahit sabihin nating nandito tayo sa Pilipinas at half Filipino tayo, tandaan mo, sa ibang bansa pa rin tayo nanggaling."

Napabuntong hininga ako "Oo na.."

Dinuro na naman niya ako "Ayan ang ayaw ko sayo e. Hindi mo pinapahalagahan ang Sweden."

"Bakit? Pinapahalagahan mo ba ang bansa mo?" Inis na sagot ko sakanya

"Oo. Kahit pa na galit ako sa magulang ko."

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. Kaya wag kang magsalita na parang ikaw ang tama saating dalawa."

"Tama naman talaga ako. Masyado kang mapride, Bea. Hindi ka na nagbago."

Tumayo ako "Hindi ako mapride. Dahil kung mapride ako, nagmatigas ako sa magulang ko. Kung nagmatigas ako, wala ako dito."

"Huh?" Para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko

Napabuntong hininga ako at umakyat na lang sa taas para maghanda ng isusuot na damit.

Minsan talaga ikaw lang ang nakakaintindi ng mga pinagsasabi mo.

"Girl!" Tawag sakin ni Edren, nandito na kami sa Resto

"Hmm?"

"Magkwento ka naman about sainyo ni Fafa Nate!"

"Kami na. Ayon lang." Hinigop ko ang yosi

"A-ano?! Oh my gosh! Congrats!" Masayang sabi niya

"Ate why are you smoking?"

Dahil sa gulat ko tinapon ko na agad ang yosi at tinapakan. Tumingin ako sa likod at ngumiti sa kapatid ko pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"H-hindi, si Edren 'yon." Sabi ko

"I saw you." Seryosong sabi niya "That is-- really bad, Ate."

"Uhmm.. Uh.." Bumuntong hininga ako "Alright, i'm sorry."

"Espen, si Nate?" Tanong ni Luis

"Uhmm.." Nagkatinginan kami ni Rounzel saglet, tumingin ako kay Luis "Umalis. Pumunta ng Mindanao." Nagkagat ako ng labi

Back at OneKde žijí příběhy. Začni objevovat