Chapter 16: Goodbye

Începe de la început
                                    

Napa buntong hininga siya at inalis na ang kamay niya sa kamay ko.

"Alam mo bang gaano kahirap ang maging isang anak ng demonyo lalo na't kakaiba ka sa mga kalahi mo?"
Pagsisimulang kwento niya habang mapait na napatawa.

"Subrang hirap Bella. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong tao na kailangan pang pumili kung anong papanigan ko. Gagawa ba ako ng masama o gumawa ng mabuti. Lalo na't nasa gitna ako nito"
Sabi niya sa akin. Napa kunot noong napa tingin ako sa kanya.

"Pagdating sa magulang wala akong halaga. Isa lang rin akong taga sunod sa mga plano nila. Kahit ayaw kong gawin na pipilitan ako dahil mga kalahi ko sila. Pero may parte din sa akin na hindi dapat gawin ang mga gusto nila"

Lumingon siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

"Nang dumating ako dito at nakilala kita. Alam ko na ang dapat kong gagawin. At iyon ay ang protektahan ka laban sa mga kalahi ko. Importante ka sa akin kaya gusto kong malaman mo ang lahat ng tungkol sa akin"
Sabi niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya sa tabi ko. Akala ko aalis na siya pero nagulat akong humarap siya sa akin at ipinakita ang totoong katauhan niya.

Nakabuka ang mga pakpak niya. Nagulat ako si Sky. Kalahati ang kulay ng pakpak niya, puti sa kaliwa at itim sa kanan. Lumabas din ang sungay at buntot niya may halo din siya ng pag anghel.

Napatakip nalang ako sa bibig ko. Subrang kakaiba siya. Paano nangyari ito?.

"Sky, anong klaseng nilalang kaba?"
Hindi mapigilang sabi ko. Napa iwas siya ng tingin.

"Hindi ko rin alam Bella, noong isinilang ako ganito na ako. Parihong demonyo ang mga magulang ko na hari at reyna ng empyerno. Pagkakita nila sa akin umayaw sila na halos ipapatay na ako. Pero buti nalang nagka plano sila kaya nabuhay pa ako"
Sabi niya. Ibinalik niya sa dati ang anyo niya.

"Paano niyo nagagawang ibahin ang pakpak niyo?"
Taka kong tanong sa kanya.

"Dahil may kakayahan kaming baguhin ang anyo namin Bella. Hindi tulad niyo na subrang ganda at maliwanag. Kami? Isang halimaw at nakakatakot ang hitsura"
Gusto ko sana syang lapitan dahil nararamdaman ko na ang pinaka masakit na emotion galing sa kanya.

"Ngayong alam muna ang kwento salamat at nakinig ka. Paalam Bella"
Matapos niya iyong sabihin sa akin. Unti-unti na syang tumalikod at lumayo.

Gusto ko sana siyang habulin pero napako ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang basa sa pisngi ko. Nang hawakan at tignan ko ito ngayon ko lang napagtantong lumuluha na naman ang mga mata ko.

Ito na ang pangalawang bisis na umiyak ako dahil kay Sky.

Mali bang pinalayo ko siya?.

Kailangan bang sundan ko siya at patawarin na?.

Diba ito naman talaga ang gusto ko? Ang lumayo siya at wag na akong guluhin. Pero bakit subrang sakit.

Napa tingin ako sa kinatatayuan ni Sky kanina. May napansin akong balahibo na puti at itim.

Lumapit ako at umupo para pulutin iyon at hinalikan na lamang ito habang nakapikit.

Paalam Sky.

° ° °

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng makasalubong ko si Chase na patakbong lumapit sa akin.

"Bella, hanap ako ng hanap sayo. Saan ka ba galing?"
Pag alalang tanong niya. Tinignan ko lang siya na naiiyak dahilan ng mag alala siya.

Napansin niya ang hawak kong balahibo at nagulat na lamang.

"Bella"
Hindi maka paniwalang sambit niya.
Bigla ko nalang syang niyakap at umiyak nalang ako sa dibdib niya.


















° ° °
To be continued....

Golden Feathers [ Completed ☑️ ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum