"Ang laking Pakq mo, Calvin!"

Inis na sabi ko habang nagmamaneho. Nagpatugtog nalang ako ng malakas para mawala sa isip ko yung mga sinabi niya. I didn't even shed a tear kaya mas ang sakit tuloy ng dibdib ko.













"Biseral! Andito kami!"

Kaway ni Vhong pag pasok ko palang ng rooftop bar na pinag-ayaan ko sakanila. Napakunot agad ako ng noo dahil may kasama siyang babae. Maganda, in fairness, pero bakit nanaman ba may karay karay itong isang to.






Naglakad na ako palapit sakanila at umupo kaagad sa tabi ni Vhong kaharap ko yung babaeng kasama niya na umiinom mula sa baso ng martini. I waived at the waiter at umorder ng isang bote ng scotch.








"Whoa! Naglalasing ka ba? Tsaka ang mahal pa nung kinuha mo. Anong nangyari?"

Sabi ni Vhong saakin pero hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya at sumenyas as if to ask kung sino tong kasama niyang babae. Mukhang nagets naman niya at tila nun lang niya naalala na may kasama siya.






"Sorry. Si Jackie nga pala, pinsan ko. Jackie, this is Vice."

Sabi ni Vhong. Agad namang nagabot ng kamay si Jackie saakin na tinignan ko lang bago ko kunot noo siyang tinignan sa mukha. Nakakainis yung aliwalas ng pagmumukha niya. Parang wala siyang kaproble-problema. Kinamayan ko na nga lang din tutal pinsan pala ni Vhong.





"Hi. Vice. I love you songs."

Sabi niya kaagad habang kinakamayan ako. Ngumiti lang ako at tipid na tumango kasunod ng pag dating ng bote ng alak na inorder ko. Naglagay ako ng yelo sa bago at nagsalin ng scotch doon bago ulit binalingan si Jackie.






"Thanks. I love them too."

Mejo sarcastic na sabi ko na parang di naman niya napansin. Nilingon ko si Vhong habang umiinom ako ng alak. Tipid lang siyang sumenyas na pumunta kami sa may bar counter kaya tumayo ako para maglakad na papunta dun, narinig ko naman na nagpaalam siga kay Jackie.






Naupo ako sa isang bar stool at ilang minuto pa ay umupo naman si Vhong sa tabi ko. Uminom ako ng alak bago nagsalita.








"Wala na kami."

Umpisa ko. Narinig kong bumuntong hininga yung katabi ko bago uminom din mula sa baso niya. Tila hindi na din niya alam ang sasabihin saakin dahil ilang ulit na din naman niya akong napag sabihan noon tungkol kay Calvin. Ako lang tong matigas ang ulo.







"Okay. Kamusta ka naman?"

Sabi niya. Bumuntong hininga ako bago inubos ang alak sa basong hawak ko. Kamusta nga ba ako? Parang ayos naman ako eh. Nasaktan ako sa sinabi niya kanina pero ngayon parang wala nalang. Baka dahil nakita ko na yung possibilities noon pa?






"Okay naman ako. Hindi naman ganun kasakit. Isang taon lang naman ng buhay ko ang sinayang ko sakaniya."

Mejo bitter kong sagot. Magsasalita pa sana ako nung biglang may marinig kaming sigawan na parang nagtatalo. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay na yun at nagkatinginan habang kunot ang noo sa pagtataka.








Agad kaming tumayo at lumapit kay Jackie na mukhang hinaharas ng dalawang lalake. Mukhang decent ang itsura nung dalawa dahil nakasuot ng maayos na polo at mukhang kagagaling ng trabaho.








"Sige na. Wag ka nang magpakipot. Isang gabi lang naman."

Sabi nung nasa bandang kaliwa na mas matangkad sabay akmang hahawakan ang braso ni Jackie. Bigla naman naginit ang ulo ko sa kabastusan ng sinabi niya kaya bago pa dumapo kay Jackie yung kamay niya ay nahila ko na siya palayo.









PlaylistWhere stories live. Discover now