The Fault In Our Stars

Start from the beginning
                                    

"Dance party!"

Sabi niya sabay tawa. Naghuhumiyaw sa Bluetooth speaker ang bandang paborito niya at sinasabayan niya ng sayaw. Natatawa nalang akong kumuha muna ng dalawang bote ng beer mula sa ref at binuksan ang mga yun bago iabot sakaniya ang isa.


"Beer, miss?"

Biro ko. Kinuha niya yung bote mula sa kamay ko bago bumalik sa pag sasayaw. Hindi ko maalis sa mukha niya yung mga mata ko. Hindi ko alam kung yung ilaw ba ng kusina o sadyang sobrang laki ng pinagkaiba niya ngayon.



Parang ngayon ko lang siya nakikita ng totoo.



Napalunok ako sa mga pakiramdam na sabay sabay akong inaatake. Realization?




"Huy! Sayaw! Dadalawa na nga lang tayo eh."

Sabi niya sabay patong ng mga braso sa balikat ko at sayaw. Napalunok ako sa lapit ng katawan niya saakin. Dati naman wala lang saakin yung mga ganitong bagay pero ibang pakiramdam ang binibigay nito ngayon saakin.



Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako. Summer ngayon pero malamig naman yung aircon.




"Huy!! Galaw galaw. Parang virgin naman to."

Biro niya saakin. Saglit kong inalis sa isip ko yung mga bagay na kanina pa gumugulo dito at ngumiti sakaniya bago sumabay ng sayaw. Napahinto kami pareho nung biglang nagging slow yung song pero dahan dahan ko lang kinuha yung bote mula sa kamay niya at pinatong ang mga yun sa ibabaw ng counter.





"Can I have this dance?"

Nakangiti kong sabi sakaniya bago kinuha ang dalawang kamay niya at pinatong yun sa balikat ko. We swayed silently to H.E.R's Best Part.




Bakit ba natagalan ako bago makita at narealized na yung inaantay ko eh nasa harapan ko na pala. Hindi ako naniniwala dati na magkakagusto ako sakaniya.

She is the exact opposite of what I want in a woman. Madaldal, maingay, nanakit at higit sa lahat nasasabi lahat ng gusto, no-filter, saakin.




Sabi ko noon, gusto ko pag magmamahal ako eh yung mabait, yung dalagang Pilipina, hindi makabasag pinggan. Natawa ako sa description na yun ngayon lang dahil heto ako, nagkakaroon ng feelings para sa babaeng kabaliktaran ng lahat ng bagay na gusto ko.

"Hindi na ako magmamahal ulit."

Maya maya ay sabi niya. Napahinto ako sa pagsayaw bago ako bahagyang lumayo sakaniya at kunwari ay natawa pero ang totoo ay mejo kinabahan ako sa statement na yun. Parang ngayon ko lang kasi yun narinig mula sakaniya.






"Sus. Sabi mo lang yan. Baka bukas lang may bago ka nanamang prospect."

Biro ko sakaniya pero hindi siya tumawa. Tanging iling lang ang sinagot niya saakin na mas lalo namang nagpa-worry saakin. Napasimangot ako bago ko sinipat kunwari ang noo niya.



"May sakit ka lang ata eh."

Biro ko ulit. Natatawang tinabig niya lang ang kamay ko bago kinuha yung bote ng beer mula sa kitchen counter at uminom mula doon. Ganun din ang ginawa ko bago naglean sa ibabaw ng counter.





"Seryoso nga. Palagi lang naman akong nasasaktan. Wag nalang din."

Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya bago inubos ang laman ng boteng hawak ko kasunod naman ng pag tunog ng timer ng oven na tanda na ready na yung dinner.




"Alam mo yung pagmamahal kasi parang lutuin lang yan, may tamang oras. Kailangan sakto para mas masarap. Dapat tama yung timpla and combination."

Sabi ko na nagpatawa lang sakaniya ng malakas. Inayos ko yung skillet sa ibabaw ng burner at iniwan muna yun saglit bago binalikan si Jackie na mukhang nagtataka.





PlaylistWhere stories live. Discover now