The Fault In Our Stars

Start from the beginning
                                    

"Disneyland."



Sabi ko bago binalik sa daan ang pansin. Hinampas naman niya ako sa braso bago nagsalita. Napaka-brutal talaga nitong babaeng to pero sa iba naman hindi. Lalo na sa mga naging boyfriends niya na nasubaybayan ko lahat. Bukod tanging saakin lang lumalabas ang ka-brutalan niya.




"Seryoso na kasi!! Sasapakin ko mukha mo, sinasabi ko sayo!"

Mejo high pitched na niyang sabi. Naiinis na talaga to. Nilingon ko siya bago ako sumeryoso.






"Open the glove box. Ayaw mo maniwala eh."

Sabi ko. Inirapan niya muna ako bago sinunod ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya nung makita sa loob ng glove box yung mga passports namin, tickets at amusement park pass. Napalingon siya saakin, still in awe.





Same look she gave me a few years ago nung narealize ko gusto ko siya.



Flashback....

Nagluluto ako sa kusina ng condo ko. Friday night nun at andito si Jackie. Nakaugalian na namin na nagispend ng friday nights para manood ng movies at magkwentuhan about sa buong linggo namin. Pareho kaming graduating na pero magkaibang schools kaya madalang na kaming magkita ng weekdays, puro nalang kami text or call.




"Ambango naman niyan! Kelan ka pa natutong magluto?"

Sabi niya saakin habang nakasandal sa kitchen counter at may hawak na bote ng beer. I rolled my eyes at her bago tinuloy ang pag luluto ng steak sa butter and herbs.




"And you call yourself my best friend slash kababata? Pero di mo alam na marunong akong magluto?"

Sabi ko sakaniya. Pano naman nga niya malalaman eh puro pizza ang kinakain namin pag friday nights. Uminom siya ng beer bago nagkibit balikat at ngumiti saakin pero halatang hindi umabot sa mga mata. Alam na alam ko yung mga ganun niya.





"Ano nanaman ginawa this time?"

Patay malisya kunwaring tanong ko. Napakurap-kurap siya nung una na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba saakin o hindi. Huminga siya ng malalim bago ipinatong ang bote sa ibabaw ng counter at humalukipkip.





Ipinasok ko na sa oven yung steak bago nagpunas ng kamay sa kitchen towel at tumayo sa harap niya.




"So? Inano ka nanaman?"

Sabi ko. Hindi ko pinigilan na mailabas sa tono ko yung inis. Ilang beses ko na kasing sinabihan tungkol jowa pero ayaw makinig. Umiling siya ng kaunti bago tumingin saakin at pilit na ngumiti.




"May bago nanaman."

Sabi niya sabay kibit ng mga balikat na para bang sinasabing 'ganun talaga'. Inis na inis kong kinuha yung bote niya ng beer at uminom mula doon. Nakalahati ko kaagad sa sobrang inis.





"Kelan ka magigising sa katotohanan na pinaglalaruan ka lang niyang lalakeng yan. Hindi mo deserve yan Jackie."

Sabi ko bago uminom ulit. Tinitigan niya lang ako bago ulit ngumiti, this time mas magaan na. Nagulat ako nung bigla siyang yumakap saakin. Kung gaano yun kabilis nangyari ay ganun din kabilis natapos.





"Hayaan mo na siya. Nakipag-break na ako sa hayup na yon. Mabuti pa--"

Sabi niya bago nilabas ang phone at nagpatugtog. Napa-roll eyes nanaman ako. Alam ko nanaman saan papunta ito.




PlaylistWhere stories live. Discover now