CHAPTER TWENTY ONE

Start from the beginning
                                    

            Naka, baka ma-turn off you. Baka isipin niyang masyado akong forward. Si Edge, galit sa babaeng forward e. Si Edge, siguradong mate-turn off pag gano’n.

            Si Edge nga kaya ang nagtext sa akin ng I like you?

            Ay, si Edge na naman, lekat!

            Balik kay Ward! Balik!

                        ME: You too. Sweet dreams J J J

            Yun na lang ang nai-text ko. Wala e. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sensiya na, ngayon lang naligawan. Tinatlo ko naman ang smiley e. Tatlo for I love you. Magets kaya niya?

            That night, nanaginip ako. Hindi ko lang alam kung sino ang napanaginipan ko: kung si Ward ba o si Edge. Magkamukha sila, e.

* * * * *

            The following day, pagpasok ko pa lang sa school, sinalubong na ako ni Ramil. “Welcome, pinapatawag ka ni Miss Gonzales.”

            Si Miss Gonzales ang principal namin. Istrikto yon. Kinabahan tuloy ako. “Bakit daw?”

            “Hindi ko alam,” sagot naman ni Ramil.

            Kumakabog ang dibdib ko habang papunta ako sa Principal’s office. Pagpasok ko, tinanong agad ako ni Miss Gonzales.

            “Welcome, totoo bang binastos ka nina Dennis at Carlo yesterday?”

            Nagulat ako. “Paano n’yo nalaman, Ma’am?”

            “Sabi ni Mr Carballo.” At itinuro niya ang isang lalaking nakaupo sa chair sa tapat ng table niya. Hindi ko lang napansin dahil nakatalikod sa akin. Pero tumayo siya at humarap sa akin.

            Si Edge.

            Isinumbong ni Edge ang ginawang pambabastos sa akin nina Carlo at Dennis? Bakit?

            “I’m sorry, Carmela. I know ayaw mong ireport ang nangyari, but I can’t allow these creeps to get away with what they did,” pagpapaliwanag ni Edge.

            “I agree with him,” sabi ni Miss Gonzales. “Maling palampasin ang pambabastos nila. Mamimihasa sila. Next time, baka hindi lang gano’n ang gawin nila.”

            Wala na akong nasabi.

            Ipinatawag sina Carlo at Dennis. Pinagalitan. Pinag-sorry sa akin. At isinuspend for three days. Ang sama ng tingin sa akin nina Carlo at Dennis nang lumabas ang mga ito. Pero tumabi sa akin si Edge at tiningnan naman sila nang matalim din. Kaya parang susukut-sukot na lumabas ang mga ito.

            “Thank you for telling me the truth, Mr Carballo,” nakangiting sabi ni Miss Gonzales kay Edge.

            Ngumiti lang si Edge.

            Tumingin sa akin si Miss Gonzales. “Aren’t you going to thank your knight-in-shining armor, Welcome.”

            Hindi agad lumabas ang salita sa bibig ko. Pero pinilit kong ngumiti at halos pabulong akong nagpasalamat.       

            After that, lumabas na si Edge. Sinundan ko siya.

            “Bakit mo pa sila isinumbong?” tanong ko.

            “So this is the real thanks I’ll get,” naiiling na sabi niya sa akin.

            “Lalo akong pag-iinitan ng dalawang yon.”

            “Don’t worry, I’ll be here to protect yon,” nakangiti niyang sabi, sabay talikod na.

            “Edge!” pahabol ko.

            Tumigil siya. Lumingon.

            Hindi ko alam kung paano ko itatanong ang gusto kong itanong.

            “What?” tanong niya, a bit impatiently.

            “Ikaw ba yung…yung nagtext sa akin kagabi?” paglalakas-loob ko.

            Hindi siya sumagot. Tumingin lang sa akin. Ngumiti nang bahagya. Saka tumalikod.

            Lokong ito, ah! Nagpapa-mysterious talaga. Teka nga.

            Inilabas ko ang cellphone ko. Hinanap ko ang text sa akin last night na unregistered number. I pressed the call button.

            At tumunog ang cellphone ni Edge.

            Huminto siya sa paglakad. Lumingon sa akin.

            Ipinakita ko ang hawak kong cellphone, letting him know na ako ang tumatawag. Ngumiti ako. O, loko. Bistado ka.

            Ngumiti lang siya, kinuha ang cellphone at sinagot iyon without taking his eyes off me.

            Hindi ko naman makuhang sagutin ang cellphone ko. Dahil magmumukha akong tanga. Magkaharap lang kami sa hallway sa labas ng Principal’s Office. Saka gusto ko lang naman siyang ipahiya. Ako pala ang mapapahiya. Or at least, ako pala yung hindi malalaman kung ano ang gagawin. Samantalang siya, always confident of himself. Confident sa kung ano ang gagawin.

            He finished the call. Ibinulsa niya ang cellphone niya. “Now, you know,” seryosong sabi niya sa akin sabay talikod at lumakad palayo.

            Wala na akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang iisipin…o ang mararamdaman.

            Pero yung unlisted number, nilagyan ko na ng pangalan. EDGE.

            Pero baka may makabasa. Wala namang nagbabasa ng cellphone ko nang walang paalam pero baka…baka may biglang magbasa. Natakot ako. Paranoid lang?

            Tinanggal ko ang pangalang Edge.

            At pinalitan ko ng Mr. Wrong.

           

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASWhere stories live. Discover now