CHAPTER TWENTY ONE

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pero mabait siya sa akin, o. Does that mean, puwede na kitang ligawan?”
            Bakit ba ang boys, ang hilig tanungin iyan? Ano ba ang isasagot mo? Kapag nagpakipot ka at nagsabing, hindi: manliligaw pa ba sila? Kapag naman sinagot mo ng, oo: di parang ine-encourage mo pa at lumalabas na parang sinagot mo na rin.

“Don’t answer that,” nakangiting sabi ni Ward. “Basta ako, I will court you. And I will prove to you that I’m a nice person and that I am good boyfriend-material.”

            Yun lang at tumalikod na siya. Pero lumingon pa at ngumiti at kumaway sa akin. Saka sumakay sa naghihintay na CRV (na wala kanina noong inihatid ako ni Edge).

            Hindi na kailangang sabihin sa akin ni Ward na he’s a good boyfriend-material. I know. Ano pa ba naman ang hahanapin mo sa tulad ni Ward?

            Pero tinext nga kaya ako ng kakambal niyang si Edge?

            Ano ba, Welcome?! Focus! Focus!!!

* * * * *

            “Mukhang disente yang si Ward,” sabi ni Nanay nang pagbalik ko sa loob ng bahay. Nagliligpit na siya ng pinagkainan.

            “Hindi lang mukha, Nay. Talagang disente yon. Mabait. Gentleman,” sagot ko naman. “Ako na diyan, Nay.”

            “Nanliligaw ba sa iyo?” tanong ulit niya habang pinapanood ako sa paghuhugas ng pinggan.

            “Sabi niya manliligaw siya,” sagot ko. “Sabi ko, ayaw mo pa akong paligawan.” Tumingin ako sa kanya para kapain kung ano ang totoong reaksyon niya.

            “Hindi ko naman mapipigilan kung may manligaw sa iyo. Maganda ka. Mana sa akin. Naks!” biro pa ni Nanay. Totoo namang maganda si Nanay. Mas maganda nga lang ako sa kanya hahaha! “Naisip kong mas maganda nang dito ka pinupuntahan kesa sa kung saan-saan ka nililigawan. Ang tatay mo noon, dinadayo ako sa bahay kahit malayo sa kanila. Gano’n din ang gusto ko. Ang lalaki, mahahalata mong disente, pag dinadalaw ang babae.”

            “So, payag ka nang ligawan ako ni Ward?”

            “Oo na. Pero ligaw lang ha! Hindi pa puwedeng sagutin,” pagdidiin pa niya.

            Sasagot pa sana ako pero tumalikod na siya. Masaya na rin ako. Pinayagan na akong maligawan e. Saka kung na-charm siya ni Ward ngayong gabi, I’m sure, lalo niyang magugustuhan ito kapag nakilala niya nang husto. I’m sure, papayag na rin siyang maging boyfriend ko ito eventually. I mean, ngayong fourth year. May deadline ako, no?

            Kapag si Edge kaya nanligaw sa akin, boto kaya si Mader?

            Poknat! Bakit ba laging sumisingit sa isip ko ang Edge na yon?

            Kay Ward ako! Ward! Ward! Ward!

* * * * *

            Bago ako matulog, tumunog ulit ang cellphone ko. Lumundag ang puso ko. And this time, hindi ko kinailangang manghula. Dahil si Ward ang nagtext sa akin.

                        WARD: Sweet dreams J

            Eeeeeeh! Nakakakilig palang makatanggap ng mga ganitong text.

            Siyempre, kailangan kong magtext back. Teka, ano ba ang sinasagot sa ganitong text? You too? Sweet dreams also? Think of me tonight?

Ang corny!

            Pero alangan namang thanks? Napaka-unromantic.

            Magtextback kaya ako ng: I love you?

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon