Simula

16 0 0
                                        

Paano nga ba nag simula ang lahat? Sa'yo,sa kanya, sa akin at sa atin. Ang gulo, napaka gulo. Narito ako, sa apat na sulok ng kwartong ito,patuloy na iniisip kung may kadugtong paba ang kwento mo, ang kwento ko, ang kwento nating dalawa. Patuloy kung iniisip kung saan, paano at kailan nga ba nag simula ang lahat? Hindi naman dapat ganito.Hindi ko dapat nararamdaman ang lungkot ng gabi, ang lamig ng hangin at ang kadiliman ng langit. Ikaw! Binigyan mo ng dahilan at pag asa ang puso ko na matutotong muli na magmahal na ilang beses na pinipigilan ng isip ko. Isa, dalawa, tatlo,apat.Apat na taon. Apat na taon ng huling mawasak at madurog ang pusong ito. Sa loob ng apat na taon patuloy nitong hinahanap kung saan siya nagkamali? Bakit siya nasaktan at iniwan. Bakit hindi nakita ang kaniyang halaga. Sa apat na taon, sarado ang pusong ito. Takot pagbuksan sa kahit na sino. Natatakot na muling mawasak ang pusong hindi pa buo. Pero heto ka,binigyan mo ng panibagong pagasa. Pag asang kaya niyang magmahal at muling mabuo.
Balik tayo sa kwento,paano nga ba nagsimula?

SimulaStories to obsess over. Discover now