"HUMAYGAD BESSSSS!!!" Tili ni Liea habang tumatakbo papalapit sakin.
"Ano yun, par?"
"GAGA! NA-CHECK MO NA BA YUNG MGA ESTUDYANTE SA SECTION NA TO?"
"Hindi pa ehh"
"Naku! Matutuwa ka pag nalaman mo sino classmate natin"
Napatawa nalang ako sa kakatili niya. Kahit curious akong malaman kung sino ba 'tong magiging kaklase ko na ikakasaya ko, eto nanaman ang napakatamad kong katawan na ayaw tumayo at silipin kung sino.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko, nakakapanibago kapag puro di mo kilala yung kasama mo. Hindi kasi ako kasing tapang ni Liea na kayang makipagharutan kahit kanino. Medyo masakit ang ingay ng kanilang tawanan, kwentuhan at tilian sa tenga pero sino ba ako bigla bigla nalang magwawala kasi ang ingay ingay nila. Ayoko kaya matawag na pabibo. I sighed and lay my head down, planning to take a nap for a few minutes. But, of course, I can't and won't because all of the girls suddenly screamed and yelled. Inangat ko ang ulo ko at napatingin sa pintong punong puno ng babae. Kahit nahihiya, kinalabit ko yung nasa harap ko at tinanong siya.
"Anong meron?" Bulong ko.
"Kilala mo ba yung sikat na sikat na basketball player ng school na to?"
"Oo, bakit?"
"Kaklase kasi natin siya"
"Ay weh? Ah sige sige, salamat"
Kaya pala grabe nalang makatili si Liea, andito pala yung hayop na yun.
P'ano ko nasabing hayop siya? Kasi magkakilala kami nun, kapitbahay at kaklase since grade one. Siya ang pinaka una kong bully at "asawa". Lagi nalang kami pinagpapartner ng magulang namin kahit grabe kami mag-away, halos mapatay na nga namin yung isa't isa. At isa pa, loyal ako sa krass ko, so never ever ever ako magkakagusto sa hampas lupang yun --- kung iniisip mo na magkakatuluyan kami sa istoryang ito, so that'll never happen and he'll always will be the villain in my story.
I tried to take a nap, again, but my blood starts to boil when these bitches begins to bother me. And unfortunately, sa tabi ko pa siya umupo, napaka walang hiyaaaa!!! Dumudugo na utak ko sa kakatili nila. Ano ba nakita nila sa galunggong 'to at pinagguguluhan nila? I glared at him and he glared back with that annoying smirk. Talagang sinusubukan nitong lalaki to yung pasensiya ko ha?! Tumayo ako at muntik ko na siya mahampas ng papel na nasa mesa ka kaso bigla dumating yung teacher kaya agad agad nagsibalikan sa mga upuan nila yung mga maiingay na babaengot. Umupo narin ako at tumingin sa kaniya ulit, he sticked his tongue out in a mocking way. Tang ina namannn.
"Good morning everyone" bati nung teacher "I am Ferdinand Alfonzo, and I'll be the adviser of this section, please introduce yourselves, starting from you" sabi niya habang tinuturo yung babae na naka upo malapit sa pinto.
"Hello, my name is Guineara Evans, I am a half American and half Filipino, I hope that we all get together" sabi niya, nasasabi ko sa accent niya na may pagka-brat siya, well, halata naman sa itsura at pananamit.
Sumunod yung katabi, hanggang sa umabot sakin. Tumayo ako at naglakad papunta sa harap at tumingin sa kanila.
"Good morning, I'm Charlotte Bonifacio, I'm the type that give respect to those who truly deserve it. And also, hope we'll work together and be kind to each other" I smiled, awkwardly before walking back to my seat.
But, of course, pinatid ako ni gago. Buti nalang nakahawak ako dun sa mesa kundi napahiya ako agad agad. Narinig ko siya tumawa ng mahina bago tumayo at nagpakilala.
"Hello---" pagkasabi na pagkasabi niya, nagtilian lahat ng babae, buti nalang pinatahimik ni sir kundi sasabok na tutuli sa tenga ko. Natawa nalang siya at pinagpatuloy "--you all probably know me, I'm Maxx Ian Dario, I'm a basketball player and its nice to meet you all!" Sabay ngiti, syempre yung sila shunga, kinilig.
Habang nagpapakilala siya, naglagay ako ng tissue na binasa ko ng betadine sa upuan niya. Bakit ako nagdadala ng betadine? Kasi girl scouts laging handa! Di, joke lang, trip ko lang talaga. Dahil tuwang tuwa siya sa pag ngiti niya sa mga babaengot, di niya namalayan yung tissue. Natawa ako nung pagkaupo niya, bigla nalang nagbago timpla ng mukha niya. Tinakpan ko bibig ko habang pinipigil ang sarili na tumawa ng malakas, napatingin nalang siya sakin ng masama habang ako namamatay sa kakapigil.
Nagturo si sir ng ilan pero puro introduction lang. Recess na nung natanggal ni Min yung tissue, buti nalang black yung pants nila kundi mukha siyang tinagusan. Nagsilapitan yung mga babaengot kay gago at nakipaglandian kaya umalis na ako, baka mahampas ko pa sila ng upuan ehh. Dumiretso ako sa lagi kong tambayan, umupo ako sa tabi ng malaking puno sa gilid gilid ng paaralan.
"PRE!!!" Sigaw ni--- HOMAYGAS SI KRASS!!! NAKU NAKU MAGANDA BA KO TIGNAN?! TAENA BAKA MUKHA AKONG SINABUNUTAN! Inayos ko yung mga pwedeng ayusin bago tumingin sa kaniya, "Hanggang ngayon ba naman, loner ka parin?"
Sinubukan kong pigilan yung ngiti ko kaso di ko kaya kaya yumuko nalang ako "hahaha, oo par, mahirap gumawa ng kaibigan ehh"
"Ahhh, hahaha naiintindihan ko" sabay upo sa tabi ko "At least, nandito ako kasama mo" Tang ina, di na ko makahingaaaa, mon dieu, pakitulungan naman akooo at puso ko'y sasabog na !!!
"Alam ko, kaya nga mahal na mahal kita" yiiieeeee hahaha kiligin ka naman krasss . Natawa siya at tumango tango.
"Alam ko"
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano na wala namang kwenta, tawanan, at harutan. Kahit gaano kaliit tong mga bagay na to, kinikilig ako, sobraaaa. Kaso nag-ring na yung bell kaya kailangan na naming bumalik sa mga klase namin. Tang ina kasi ehh, panira ng moment!
Habang naglalakad ako papunta sa klase, bigla nalang ako nakaramdam ng hampas sa likod, muntik na ako matumba kaso nasalo ko yung sarili ko. Agad agad kong sinipa at tama ako kung sino yun, si gago.
"ARAY KO! BWISIT!!" Sambit niya bago ako sapakin, hinila ko buhok niya at sinabunutan, marami tumingin samin at nagbubulungan. Siguro dahil sa sinasaktan ko ang Maxx Ian Dario ng school na to.
At dahil may pagka sadista ako at masyado nasiyahan, bugbog sarado si gago sakin. Hamunin ba naman ako sa ganun?! Bobo amputa. Kaya mahuhuli siya sa klase dahil kailangan niya pumunta sa cr dahil sa mga sugat at pasa na natanggap niya. Napansin ko nalang na iba yung tingin nung mga tao sakin. Lumingon sakin yung lalake sa harap at bumulong.
"Alam mo ba na may papel sa likod mo?"
"Ha? Anong?-- Tang ina yung gagong yunnnn" naiinis kong sabi, tinanggal ko yung papel sa likod ko at nakakabanas yung nakalagay dun sa papel. 'Free sex'?! NAPAKAGAGO AMPUTA!!! Humanda sakin yun mamaya.
Dumating na si sir pero wala parin si Min, anyare kaya dun? Bigla nalang bumukas yung pinto at nandyan na siya!
"Mister Dario, why are you late?"
"I'm sorry, sir" nahihingal niyang sabi "There's something I had to do"
"This is the first day of this school year, Dario, don't disappoint me, I hope this will never happen again" he demanded. Napatango nalang si Min at umupo sa upuan niya, pinagpatuloy ni sir yung klase.
Binato ko ng papel sa ulo si Min at tumingin siya ng masama sa akin. I looked at the crumpled paper and mumbled 'buksan mo!' Tinuro niya yung papel at tumango ako. Nagdadalawang isip niyang binuksan.
-Par, okay ka lang?-
Kinuha niya yung ballpen niya at binato pabalik sa akin.
•Sa tingin mo?•
-Bish answer my question-
•Mukha ba 'kong okay?•
-Kaya nga ako nagtatanong, dibaaaa?-
"Tsk, antipatika" narinig kong bulong niya. Tinago niya muna yung papel nang naglakad lakad si sir, kunwari nakikinig kami kay sir para di mapagalitan. At syempre, nakalimutan na niyang ibalik.
Uwian na, syempre tuwang tuwa ako dahil kanina pa ako inaantok, naglakad ako papunta sa sakayan at nandun siya, kasama mga tropa, pero ang di ko inaasahan, ay nandun din si Krass.
"Uy pre! Uwi ka na?" Tanong niya.
"Oo par" sagot ko.
"Sabay na tayo!"
"Magkakilala kayo?" Singit ni Min
Tinignan ko siya ng masama and rolled my eyes "Di ba halata?" I said with a hint of sarcasm. Natawa nalang si Krass.
"Ay hindi, kaya nga ako nagtatanong dibaaaa?" Ulit niya sa sinabi ko kanina, muntik na kami magbubugbugan ng dumating na yung jeep. Sabay kami umuwi ni krass, buti nalang nandiyan siya, kundi sirang sira yung araw ko.
Nakipagchat muna ako kay Liea at dinaldal lahat ng nangyari, tsismisan kami ng tsismisan hanggang dinalaw ulit ako ni tulog.
-Par, matutulog na ako, ha. Matulog ka na rin-
°Sige lang bes, maya pa ako matutulog, hehehehe°
"Napakatigas ng ulo nitong babaitang 'to. Pero syempre mahal ko parin" natatawang sabi ko.
Binaba ko na yung phone ko at humiga, unti unti na ako nakatulog at mapayapang nananaginip.
YOU ARE READING
[ Upside Down ]
RomanceWhat if the unexpected happened? What if the world turned around and got all the story upside down? Will be the ending a happy or a tragic one?
![[ Upside Down ]](https://img.wattpad.com/cover/179376294-64-k730164.jpg)