Nagising si Randy dahil sa tunog ng alarm clock na nasa tabi ng kanyang kama. "Aray!!.." daing nito ng maramdaman ang pasa sa mukha.
3:15pm ang basa nya dito matapos itong pahintuin sa pag-alarm ay bumangon sya at tulalang umupo sa tabi ng higaan. Sandali ay inalala nya ang nangyari kagabi.
Pumunta sya isang bar sa malate, pagpasok nya doon ay tila pinagtitinginan pa sya ng mga lalaking humahanga sa kanyang kagandahan, mga tingin na parang tila hinuhubaran na sya, matapos uminom at sumayaw kasama ang mga bagong kaibigan ay dumeretso sila sa isang motel.
Napagtanto ng mga nito na sya ay isang binabae, bisexual, chicksilog ay bigla nalamang syang pinagbubugbog at ninakawan pa sya. Ang hindi nya matandaan ay kung paano sya napunta sa kanyang kwarto.Tumayo sya at akmang maglalakad ng may nakita syang isang papel sa sahig. Kinuha nya iyon, isang sulat.
"Sa susunod ako na ang bubugbog sa iyo pag inulit mo pa yan,..kita tayo bukas, -JESS."
Napangiti sya, bestfriend nya iyon na aware sa kanyang pagkatao.Naligo sya at kahit masakit ang buong katawan ay hinahayaan nya lang itong maramdaman na tila pinaparusahan ang kanyang sarili.
Pagkatapos maligo ay dumeretso ito sa sa kanyang silid upang magbihis ng biglang nakarinig sya ng ingay na parang may nahulog at nabasag, ngunit inindya nya iyon at derederetso sya sa kanyang silid.
Pagkalabas ay dumeretso sya sa kanyang sala at binuksan ang tv.
BREAKING NEWS..
TATLONG LALAKE ANG NAKITANG PATAY SA PARKING AREA NG ISANG MOTEL SA ERMITA MANILA, NAPAG -ALAMANG NA SILA AY SINA JAKE AGUSTIN, JEROME SAN JOSE AT MICHAEL DE GUSMAN, HINIHINALANG NAGNAKAW ANG MGA ITO DAHIL SA HAWAK NA MGA ALAHAS AT PERA, HINDI PA MATUKOY ANG PAGKAMATAY..
Nagulantang sya, hindi sya maaring magkamali, ito ang mga nagyaya sa kanya sa motel na matapos syang bugbugin at pagnakawan ay iniwan sya. Tulala sya ng bigla namang namatay ang TV.
"BAGGGGHHH!."
Tumayo sya at napatingin sa lugar kung saan narinig ang kalabog. Nakaramdam man sya ng takot ay dahan dahan syang pumunta sa kwarto at dahan dahang binuksan ang pinto.
Bumungad sa kanya ang mga koleksyon na Wig, na mukha namang maayos, ngunit ng mapadpad ang tingin nya sa sahig ay nagkalat ang basag na picture frame at ang wig na kanyang pinaka-iingat-ingatan.
"S%@*..."Sabay ayos sa lugar.
Ng matapos ay bumalik sya sa sa sala at tulalang nakatingin sa larawan ng nabasag kanina, larawan iyon ng dalawang taong masayang nagmamahal na nawasak ng isang karamdaman. Hindi naiwasan ni Randy ang maiyak at alalahanin ang masasaya nilang alaala ng kasintahang si Aiko.
Isa syang bisexual, bakla, beki na nain-love sa isang napakagandang babae nasi Aiko, na kanyang niligawan na sya namang sinagot ng dalaga. Tanggap sya nito at mahal na mahal nila ang isat isa ngunit ng dahil sa isang sakit ay nagbago ang lahat.
Na-diagnose si Aiko na may leukemia na gaya ng yumaong ina ay kanyang namana, masakit man sa kalooban ay sinulit ng magnobya ang mga nalalabing sandali. Binigay ni Aiko kay Randy ang koleksyon na Wig at sinama doon ang sariling buhok na ginawang wig.
Nangako si Randy na aalagaan ang sarili at balang araw magmamahal ng taong magmamahal at mamahalin sya ng tapat, ngunit naging miserable ang buhay nito, ng mamatay ang nobya ay palagi nalang laman ng ibat ibang bar sa mamila at makati si Randy na Rowena pagsapit ng gabi.
Pumupunta ito ng bar, nakasuot ng pambabae, habang suot ang wig na koleksyon ng nobya upang makalimot sa sakit na nararamdaman sa pagkawala nito. Sayaw dito, inom doon, kahit binabastos sya at dinadala sa motel, wala syang pakialam, kahit mabugbog at mapagnakawan pa sya wala syang pakialam.
"Pinilit ko.." habang patuloy parin ito sa pag-iyak. Matapos bumaling sa larawan ay tinignan naman nya hawak na wig at niyakap. "Ngunit,..wala ako kung wala ka..mahal na mahal kita Aiko."
Matapos paliguan at ayusin ay binalik nya ito kasama ang mga koleksyon, habang sya ay bumalik sa sala at uminom ng alak, maya maya ay nagbihis pambabae ito, kumuha ng gamit at sinuot ang isa sa mga koleksyong wig.
HIndi nya mapigilan na hindi pumunta sa bar, doon nya kasi nakakalimutan ang nobya at para bang ibang tao sya, walang nakakakilala, walang nakaka-alam. Ganoon na naman ang nagyari katulad kagabi, may nagyaya na naman sa kanyang dalawang lalake at dinala sya sa isang hotel.
"E bakla pala toh eh!...may lawit" Banas na sabi ng isang lalake sa kasama. Lumapit ito at pinagtulungan syang bugnugin.
"Parang awa niyo na.. tama nah!!!.." Akmang sasapakin pa sya ng biglang pinigilan ng kasama. "Pre tama na yan..umalis na tayo, kinuha ko nalang yun pera nya tara nahh.."
Binitiwan nito si Randy at akmang aalis na ngunit pinigilan sya ni Randy. "ANAK NG--."
Napa-dausdos sa sahig ang dalawang sila Randy habang nagpapalitan ng suntok, kahit wala ng lakas na si Randy ay pinagtatanggol parin nito ang sarili.
Naasar ang kasama nito at kinuha ang Vase, binasag nito at kinuha ang nagkalat na piraso nito sa sahig at tangkang sasaksakin si Randy ngunit, biglang namatay ang ilaw ng silid. Nagtaka silang lahat at sandaling napahinto.
Sa dilim, palingon lingon pa ang lalakeng may hawak na matulis na bagay habang si Randy ay nagpagulong-gulong upang makaalis sa kinalalagyan.
Biglang umilaw. laking gulat ng mga ito ng bumungad ang isang babaeng nakaputi. Nanlaki ang mga mata ng lalaki na nagkatinginan pa habang nanlilisik ang mga mata ng babaeng nakatingin sa mga ito, habang si Randy ay gulat na gulat na nakatingin sa likod ng babaeng nakaputi.
Tumingin ito sa lalaking may hawak na matulis na bagay at biglang umihip ang napakalakas na hangin dahilan upang liparin ito at bumagsak sa sahig at mawalan ng malay.
Kinuha ng babaeng nakaputi ang nahulog na panaksak at tumingin sa kasama nitong lalake na noo'y nakaupo at takot na takot na napapaatras sa sulok ng kwarto.
Doon nasilayan ni Randy ang mukha ng babaeng nakaputi, kahit naka-side view ito, ay kilalang kilala nya ito.
"AIKO...??." Napatayo si Randy habang ang white lady ay nakalapit na sa lalake at sinakal ito, inangat sa ere at tangkang sasaksakin ng biglang pinigilan sya ni Randy, ngunit ng yakapin nya ito ay tumagos lang sya.
"HUWAG!!!!.......AIKOHH." Habang tumutulo ang luha nito. Napahinto ang babaeng nakaputi sa tangkang pagsaksak nya dito, binitawan nya ang lalakeng nahulog mula sa ere at nawalan ng malay.
"AIKO PATAWARIN MO AKO, PATAWARIN MO AKO." Napaluhod ito sa sobrang pagsisisi habang patuloy pa din sya sa pag-iyak. Humarap ang babaeng nakaputi.
Humarap ang babaeng nakaputi kay Randy, Ang nakakatakot na matang puro itim ay napalitann ng magagandang mata ni Aiko. Lumapit ang kaluluwa ni Aiko kay Randy na syang napansin ng binata at tumayo.
"Sorry Aiko..sorry, hindi ko ginustong pumatay ka ng dahil sa akin.." Patuloy pa din ito sa pag-iyak. "Nagkamali ako sorry,..... miss na miss na miss na miss kita..kung alam mo lang kung gaano ako ka miserable ng nawala ka, pero hindi ko ginustong magdkaganyan ka ng dahil sa akin.. patawad mahal ko, tandaan mo lang na mahal na mahal na mahal kita aiko,...... pangako ko,.. hinding hindi na ito mauulit, hindi nah!!.. magpahinga kana MAHAL KO."
Ngumiti si aiko at bago ito mawala, nahulog ang wig nito sa sahig. Humagulgol sa pag-iyak si Randy habang kinuha ang wig ng nobya at niyakap ito.
-WAKAS-
ESTÁS LEYENDO
Compilation Of Horror Short Stories
TerrorONE STOP HORROR STORIES na nagawa ko ng HS. yung iba inspired ng mga horror movies na napapanuod ko, yung iba naman personal experience ko.. TITLE LIST; THE WIG Paano ka makakalimot sa taong nagbago sa buong pagkatao mo, ang taong minahal mo...
