"JM nga pala. Iilan ilan lang tayo dito, magmahalan tayo."

Nakangiti pa niyang sabi. Magmahalan kaagad? Kinamayan namin siya, pagbigyan na nga at mukhang lasing na tapos nanlibre pa ng alak.


"Jackie and this is Madc."

Sabi ko. Tumango lang siya bago sumaludo at umalis na. Napailing nalang ako sa lalakeng yun. Taas ng energy eh.





"Sulitin na natin. Libre eh!"

Sabi ni Madc bago umorder ng cocktail. Nakailang baso na siya nun at nag-aaya ng sumayaw. Dahil mejo tinamaan na ako ay pinagbigyan ko na din siya.

Sa sobrang siksikan ay hindi maiwasang magkasakitan sa dance floor. Nung una ay hindi namin alintana pero maya maya pa ay may biglang tumulak saakin kaya muntik na akong matumba. Napatingin ako sa babaeng masama ang tingin saakin.

"What the hell! Move away from my beau or else--!"

"Whoa! Chill. She is not into your man, she's with me."

Bago pa ako makasagot ay may braso nang pumatong sa balikat ko. Napalingon naman ako kay JM. Kinindatan lang niya ako. Sinamaan pa ulit ako ng tingin nung babae bago hinila yung boyfriend niya. Agad ko namang inalis yung braso ni JM sa balikat ko bago inis na hinarap siya.




"Feeling mo ba knight in shining armor ka? Kaya ko sarili ko."

Sabi ko bago naglakad palabas ng bar at umupo sa gilid ng side walk para magpahangin. Nagtext ako kay Madc na nung huling kita ko ay may kasayaw na lalake at mukhang nakikipag getting to know na. Sinabi ko na mauuna na ako. Tumayo na ako at maglalakad na sana nung biglang niluwa ng pintuan ng bar si JM na agad akong nakita at mukhang lalapitan pa.



Nagmamadali akong tumalikod at nagsimula nang maglakad pero mukhang late na.

"Wait! Jackie!"

Sigaw niya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Isang bagay na wala din namang silbi dahil mas mahaba nga pala ang mga legs niya at ilang hakbang lang niya eh nasa harap ko na siya. Pinigil niya ako sa paglalakad at huminto naman ako sa hindi ko din malamang kadahilanan.





"Sorry. Hindi ko naman intensyon na mag feeling super hero dun. Pasensya na. Okay ka lang ba?"

Sabi niya. Maiinis na sana ako kung hindi ko lang nakita sa mga mata niya na sinsero siya sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako bago umiling at ngumiti ng kaunti.





"No. Ako dapat magsorry. Tinulungan mo na nga ako, inaway pa kita."

Natatawang sabi ko. Ngumiti lang siya saakin bago tumango.




"Wala yun. Alam ko kasi yung pakiramdam ng bago ka sa lugar tapos may mangaaway sayo. Anyway, uuwi ka na ba? I'll walk you home."

Sabi niya. Tatanggihan ko pa sana pero sa sobrang hiya ko sa ginawa ko eh pinagbigyan ko nalang. Tahimik kaming naglakad papunta sa apartment namin ni Madc.




"Taga dito ka ba talaga or just here to study?"

Maya maya pa ay tanong niya saakin. Ilang blocks nalang nun ang layo namin sa apartment. Tinignan ko siya at napansin na suot pa din niya yung celtic helmet niya at cape. Mejo natawa ako ng kaunti. Napakunot noo naman siya bago natawa din nung marealize ang pinagtatawanan ko.






"Sorry. May mga bagong recruits kami sa Alpha kaya ganito itsura ko."

Natatawang sabi niya bago inalis yung suot na helmet at parang nahihiyang tinignan ako. Umiling lang ako at huminto saglit.





PlaylistWhere stories live. Discover now