"Ayun, dun nalang tayo. Dalawa lang naman tayo."

Sbai ni Madc saakin sabay turo sa dalawang bakanteng upuan sa harap ng bar counter. Tumango naman ako bago nakipagsiksikan sa napakaraming katawan ng tao na pumapagitan saamin at sa bakanteng mga upuan na yun.






"This place is packed."

Bati ni Madc sa bartender nung makaupo na kami. Mukhang natuwa naman ito sa sinabi ni Madc at kumindat pa. Napairap naman ako. Napakalandi.


"Sobra. Ang daming tao. Anong iinumin niyo?"

Sabi nung bartender. Nagtinginan naman kami ni Madc dahil pareho kaming nagulat dahil mukhang American yung lalake sa likod ng bar. Natawa naman siya saamin at sa reaction namin bago nagsimulang gumawa ng cocktail.



"My wife is a Filipina. She doesn't want to hear English inside the house. Kaya marunong ako."

Sabi niya saamin bago inilagay sa harap namin ang dalawang martini at ngumiti ulit.




"First round is on me. Chill."

Sabi niya bago hinarap ang ibang customers. Nageenjoy na kami sa pagkikwentuhan ni Madc nung biglang may isang grupo ng kalalakihan na pumasok. Napalingon kami sa mga bagong dating.






"Tequilas are on me tonight!! Go neos, No one should go home sober tonight!"

Sigaw nung lalaking nakasuot ng viking hat at pulang cape over white shirt na may greek letters sa harap. Napa-roll eyes ako.



"Frat boys."

Bulong saamin ni Mike, yung bartender. Napailing nalang ako bago ulit uminom ng cocktail ko. Muli kong sinulyapan yung lalaki kanina. Mejo natawa ako dahil may hawak din pala siyang mace na laruan na iniikot ikot niya over his head habang sumasayaw sa gitna ng dance floor.






Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sakaniya kaya ganun nalang yung hiya ko nung mapansin niya na tinititigan ko siya. Agad akong nagbawi ng tingin at inubos yung laman ng baso sa harap ko.





"Pogi din no?"

Sabi ni Madc saakin kaya napalingon ako sakaniya. Nakatingin siya sa lalaking tinitignan ko din kanina na ngayon ay sumasayaw pa din sa gitna ng dance floor habang may hawak na bote ng tequila.






"Pogi nga pero mukhang babaero naman. Frat boy pa. Tsk."

Sabi ko habang naka-pangalumbaba sa bar. Sumenyas ako kay Mik para umorder at agad naman itong lumapit saakin. Oorder na sana ako nung biglang may naglean sa bar.






"Mike! Isa pang bote ng tequila!"

Sabi niya. Inis kong nilingon yung lalake at napabawi kaagad ng tingin nung marealize na yun yung frat boy na tinitignan ko kanina. Napatingin din siya saakin bago ngumiti.



"You guys new?"

Mejo may angas na sabi niya saamin. Ngumisi lang ako sakaniya bago siya inirapan. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sakaniya kahit wala naman siya ginagawa.







"Pinoy ka din?"

Sabi naman ni Madc na ngiting ngiti pa. Maya maya pa ay lumapit na si Mike na may dalang bote ng tequila. Agad niyang inabot yun dun sa frat boy bago nakipag fist bump pa.




"Give these two whatever they want. It's on me."

Sabi niya kay Mike bago ulit nagsmile saamin. Aalis na sana siya pero mukhang may naalala kaya bumalik. Tumingin siya saamin bago nilahad ang kamay.





PlaylistWhere stories live. Discover now