"And may 200 plus comments oh. You're famous like me na ha." Ngiting tagumpay pa si French nang nagscan muli pababa sa mga pictures ko roon.

Malayong malayo ang nakalakihan kong mundo sa natatamasa ko ngayon. Masyadong moderno.

Dumating rin naman kami sa mismong venue. Nakaheld iyon sa isang isang five star Hotel. Iginiya kami noong babae sa mismong hall kung nasaan magaganap iyong dinner.

May napatingin agad sa amin nang pumasok kami. Ang iilan sa akin ay pamilyar na pero may iilan ring estranghero talaga sa aking paningin.

"Kailangan nating magmano kay Ahma," bulong sa akin ni French at tiningnan iyong matanda na nakaupo sa parang hugis shell na upuan at masyadong elegante.

Tumango ako at sumunod kay French. Sina Papa at Tita Brenda naman ay nakikipaghalikan na sa sumalubong sa kanila. Napuno ata ang hall na ito ng mga Chua.

"Ahma..." Ngumiti ng magalang si French at nagmano roon na ikinangiti naman ng matanda.

"This is Tracey po, Ahma. You heard about her naman diba..." Nilingon ako saglit ni French saka niya ibinalik ang tingin sa matanda. Nasa tabi ko na ulit ito.

"Oh... Ikaw pala iyon..." Ngumiti ng matamis ang matanda sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para lapitan ito lalo at magmano.

"You look so pretty, hija... And I heard na matalino ka raw." Mas ngumisi pa ito sa akin nang magtama muli ang aming mga mata.

"Thank you po..." Isang matamis narin na ngiti ang aking napakawalan. Para akong biglang nabunutan ng tinik. Ngayon ko lang rin kasi ito nameet talaga.

"Yes Ahma. She's very smart and minsan nagpapatulong ako sa kanya sa projects and many stuff pa..." si French naman na ikinatango tango ng matanda at mukhang namamangha na.

"You heard that? This girl is smart. Mana kay Liam!" anang matanda sa mga kasama niya sa mesa na ngumiti naman agad at nagtanguan.

"She looks very pretty, Mama," anang babae na kaedaran lang rin ni Tita Brenda.

Napangiti ako at marahang yumuko.

"Thank you, po..."

"Well... Lianna... Looks like magkaedad lang kayo nitong si Trace. Dapat magkasundo kayo." Tingin niya sa isa pang pinsan ko.

"I will, Ahma," kalmadong sabi noong babae.

Noong umupo na kami sa aming mesa ay nag-ikot agad ng mga mata si French.

"Yung group of mga gaga iba ang tingin sa ating dalawa. I wish their eyeballs turn into stones para mabulag sila at matigil sa kakatingin ng matalim sa atin," mahinang sabi sa akin ni French ay pasimple pang nilingon ang lamesa na tinutukoy niyang mga pinsan naming babae.

Pagkatapos naming kumain ay nagwa-wine na iyong mga matatanda kaya naseparate na kami sa kanila at nasa may sofa nalang. Si Kuya Brennan ay nakatayo at kausap iyong iba pa naming mga lalakeng pinsan malapit doon sa glass wall habang nakapamulsa ito at nakasandal lamang doon.

May dumaan na waiter kaya kumuha ng dalawang glass of wine si French at ibinigay sa akin.

"Light drink lang 'yan, don't worry," aniya nang napansin niyang tinitigan ko pa iyon.

Tumango ako at sumimsim ng kaonti roon. Nahagip pa ng aking mga mata iyong Lianna na may disgusto ang mga mata sa akin.

"Ignorante," bigkas niya na nabasa ko sa kanyang labi saka siya nag-iwas ng tingin at ibinalik doon sa iba naming pinsan na may pinag-uusapan.

Ibinaba ko iyon at nilingon si French na kausap na iyong isa pa naming pinsan na si Keisha. Tumagilid pa ang ulo nito at tiningnan ako.

"Alam mo French... Siguro kung half blood din tayo... ganyan rin kaganda ang mga mata natin parehas kay Tracey," sabi niya at ngumuso pa.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon