W-What? Parte iyon ng kultura nila?

"Ikaw... Ibig sabihin may pinapares na sa'yo?" tanong ko at nagugulantang parin.

"I think meron na. Sure ako anak lang rin ng business partner ni Dad na intsik rin. Nasa culture natin na ang Chinese ay para sa Chinese or else it's taboo. And since you're a half blood Chinese... I'm sure Mom and Dad wants a pure blood Chinese for you, too."

"Okay lang sa'yo?"

Tumango siya at nginitian ako.

"It's not that bad if I give it a shot. And it's for the sake of business naman so it's okay para narin makatulong ako," aniya at sinuklay pa ang buhok niyang nakahighponytail.

Natahimik ako ng ilang sigundo at hindi agad nakasagot.

"But I'm not sure if Dad will arrange you into fix marriage this early ha since I'm older than you so baka mauna ako but I'm not sure rin baka may matipuhan rin si Dad na intsik for you at ipagkasundo kayo agad..." Mas ngumisi ito ng pilya sa akin.

Nilingon kami ni Brennan pero itinuon rin naman sa harapan nang makita ang kanyang mga barkada rito sa subdivision. May dala dala ring skateboards ang iba.

Ngumisi pa si French nang makita ang grupo ng mga lalake saka ako muling tiningnan at natawa.

"You looked scared! It's not that bad naman Trace since bibigyan naman nila tayo ng time to know our soon to be grooms. Like pwede niyo pang kilalanin ang isa't isa. Hindi naman magpapakasal agad so don't worry..." Tinapik niya pa ang aking balikat at ngumiti ng matamis.

Naging okyupado agad ang aking utak sa sinasabi niya. Mahalaga sa kanila ang kultura at iyon dapat ang masunod.

"Hi!" Kinawayan ni French ang mga barkada ni Kuya Brennan kaso bigla siyang tinaliman ng tingin ng kanyang kapatid kaya bumungisngis agad.

Nasa mga apat sila. Lahat ay mahahalata mong nabibilang sa may kayang pamilya at kung paano rin nila dalhin ang kanilang sarili.

Nagtungo kami sa Clubhouse na malapit lalo na't doon sila madalas magskateboarding at gawin ang tricks nila na para sa akin ay masyadong delikado. Umupo kami sa bleachers ni French habang ang aking mga mata ay natatangay minsan sa tricks na ginagawa ng kaibigan ni Kuya Brennan while skateboarding.

Binitiwan ni French si Kaki at hinayaan itong tumakbo agad sa bermuda grass kung saan may playground rin. Para itong naglalaro roon.

"Iniisip mo 'no?" Tinuro pa ni French ang aking mukha nang mapansing okyupado ako.

Kumurap ako at dahan dahang tumango.

"Wait?!" Nanlaki agad ang kanyang mga mata at natakpan ang bibig. "Don't tell me may gusto ka doon sa bukid niyo na pinoy and then poor pa! Oh my gosh that's taboo! Dapat di nalalayo ang estado sa buhay natin and dapat Chinese blood ang guy na mapapangasawa mo!" Overdramatic niyang pagkakasabi.

"H-Huh, taboo?" Lumukot ang aking mukha dahil sa salitang di naman pamilyar sa akin.

Taboo? Eh panligo ko lang iyon sa bukid namin ah?

"Yep... Pag ang pinili mong pakasalan ay hindi naman Chinese then that's called taboo. Meron kang gusto?!" she asked using her overdramatic tone again.

Umiling agad ako para lang mabura ang kanyang sinasabi sa akin. Oo noon meron pero matagal ko ng ibinaon sa limot ang atraksyon ko kay Israel.

"Wala 'no..."

Aksidente kong nahuli ang mga mata ng barkada ni Kuya Brennan at nag-iwas agad ng tingin sa akin. Si Ryle iyon.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now