"You two look stupid," sabi niya sa amin. Umirap naman agad si French.

"Shut up ka diyan, Kuya!" saka niya rin ako sinenyasang gayahin siya kaya nagkatitigan pa kami Brennan. Tinaasan niya ako ng isang kilay at mukhang naghihintay na sasabihin ko iyon.

Umawang ang aking bibig pero bago ko pa man iyon mabanggit ay inunahan niya na ako.

"You shut up," saka niya binawi ang tingin at sumandal na ulit habang ang mga mata ay nasa harapan na.

Tumawa pa si French. "Taray ha! You're not even a girl!"

Natawa ako ng marahan sa inasal ni French. Madalas niya kasi talagang asarin ang kapatid niya na mabilis rin namang napipikon. Naaalala ko sa kanilang dalawa ang bond namin ni Kuya. Siguro masaya kung kasama rin namin si Kuya Bram.

Ang kuwento ni French sa akin ay napakatahimik daw ni Kuya Bram noong dumating ito rito pero habang nagtagal ay nakasundo niya rin naman dahil nga madaldal ito. Maayos naman daw ang pakikitungo ng Mommy niya kay Kuya at sa akin lang daw talaga ito mukhang off.

Naalala ko pa iyong term ni French noong napag-usapan namin ang issue ng parents namin.

"I don't know if kabit is the right term ha... Pero hindi naman kumabit 'yung Mommy mo kay Dad kasi diba si Dad ang sumakay sa kanya so dapat si Dad ang tinatawag sa term na "sakay"" sabay quotation niya sa magkabila niyang mga daliri.

Natutuwa ako kay French sa totoo lang. Oo alam kong may pagkakamali rin si mama, pero para kay French, pati rin daw si Papa ay meron. Parehas lamang sila.

"She's a Chua? So anak sa labas?" Narinig kong tanong ng kaibigan ni French na hindi ko nalang pinansin.

"Don't be so hard on my half-sister. She's nice naman..." pagtatanggol sa akin ni French.

"And she's pretty too, French. But she looks like a loner..." Iyong isa niya namang kaibigan.

"She prefers being alone kasi. Annoying ata for her ang maiingay but we talked alot sa bahay kaya she's not really a loner," si French na humagikhik agad.

"Diba you said na may stepbrother ka na guwapo?"

"Ah... My Kuya Bram died na eh. Trace told me nabaril daw... I even cried when I found out kasi Kuya Bram is so nice to me... Mas nice pa kay Kuya Brennan kahit they're both suplado." Malungkot niyang sabi.

"Oh my gosh! That's so sad! Condolence..."

"Thank you."

Habang tumatagal ay medyo nakakaadjust narin naman ako.

Ang una kong punta sa ibang bansa ay sa China. Nasa buwan iyon ng January noong lumuwas kami ng ibang bansa para doon icelebrate ang Chinese New Year lalo na't sinusunod nila ang tradisyon ng mga Chinese.

"Thank you po, Papa..." daing ko habang naluluha kaya mabilis niyang sinalo iyon bago tuluyang umagos.

For the first time, I experienced celebrating my birthday in a luxurious way. Ginanap sa Marco Polo Hotel ang aking kaarawan at magara masyado ang theme.

"Anything for you, sweetie... I'm glad you're enjoying your life being a Chua."

"Sobra sobra pa nga po..." Napangiti ako sa kanya habang ang isang nakakadalang tunog ng violin ang nagpiplay.

"Oh please Trace... Hindi pa buong mundo ang naibibigay ko. This is just the beginning..." Hinaplos haplos niya ang aking pisngi. "Ano pa bang gusto mo?"

"Pwede po ba akong magpadala ng letters kay Mama, Pa?" masuyo kong tanong na ikinakurap niya.

"Iyan na ang wish mo?" Ngumuso pa ito at tila mapapangiti na ng malaki.

Tumango ako.

"Wala po kasi siyang cellphone at wala rin naman akong alam kung saan ko ihuhulog ang sulat ko. Sabi ni French sa akin sabihin ko raw po sa inyo..."

"We can send some of our men Trace... Sila ang magpapadala ng sulat sa Mama mo. Okay ba 'yon?"

Namangha agad ako at tumango tango na. Ang last dance ko ay si Kuya Brennan.

"Happy birthday," bigkas niya sa baritono niyang boses.

"Salamat, Brennan..." Nginitian ko siya na ipinagsalubong agad ng kanyang kilay.

"You should call me Kuya since I'm two years older than you," aniya.

Ngumuso ako. Sa unang pagkakataon, ngayon ko siya mas natitigan nang malapit at lalo akong nangungulila kay Kuya Bram.

"Akala ko kasi ayaw mo sa akin na tawagin kitang ganoon..."

Umangat agad ang kanyang kilay. "At mas ayaw kong tinatawag mo ako sa pangalan mo. Kabastusan iyan."

"S-Sorry..." Yumuko ako at bumuntong ng hininga.

Ang rami kong natanggap na regalo at tinulungan pa ako ng personal maid ko sa pagbubukas noon na si Manang Asing. Siya rin ang madalas kong kausap dito bukod kay French.

Naiintindihan ko kung bakit galit si Tita Brenda sa akin. Naiintindihan ko kung hindi niya ako masyadong gusto. Nasaktan rin siya noon at pinapaalala ko pa sa kanya ang pagkakamali ni Papa. Kaya sinisikap ko siyang intindihin dahil alam ko namang masakit talaga ang pagtaksilan. Si Ate Rici nga... sa pag-aakalang pinagtaksikan ay hindi nakaya at nagpakamatay. Matapang si Tita Brenda na nakaya niya iyong harapin at hayaan ako ritong manirahan.

"Anong sabi ni Dad sa request mo na magsusulat ka ng letters?" tanong ni French na nakahiga sa aking kama ganoon rin si Kaki. Bihis na bihis na ito at handa ng matulog ano mang oras ganoon rin ako dahil mapapagalitan lamang ako ni Tita Brenda pag di agad ako nagbihis.

"Hala, oo nga pala!" Tumayo agad ako sa pagkakasquat sa carpet kasama si Manang Asing at nagtungo ako sa aking desk.

Kumuha ako roon ng mga binili kong magagandang construction at isang sign pen para makapagsulat na ako. Tumabi ako kay French na nasa gilid ko lang at sumisilip rin sa aking sinusulat.

Sinimulan ko iyon sa Dear Mama na pinuna pa ni French.

"Dapat Hey, Mommy!"

Tumawa ako sa kanyang sinabi. "Maweweirduhan si Mama sa akin pag ganoon ang sinulat ko..."

"Okay..."

Mama... Sana po h'wag niyong pabayaan ang sarili niyo at bumili po kayo ng gamot. Kumain po kayo sa tamang oras at magpahinga rin po. Okay naman ako rito... Mahal ko po kayo.

Isa iyon sa isinulat ko sa huli. Dinesenyuhan ko pa iyon ng kung ano ano sa gilid na si French rin mismo ang pumili. Makikintab iyon na maliliit na bulaklak.

Kaya noong pagsapit ng umaga ay isang maliit na kahon agad ang ibinigay ko sa naatasang tauhan ni Papa na magdadala noon kay Mama. May ipon rin kasi ako kaya pinadala ko narin iyon at iyong mga pictures ko sa mga okasyon.

Malayong malayo ito sa pamumuhay ko. Namimiss ko na ang dati na alam kong imposible nang balikan.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon