Alam kong hindi ako gusto ni Tita Brenda hindi dahil sa kanyang ipinupukol na tingin sa akin kundi dahil narinig ng sarili kong mga tenga ang pag-aaway nila ni Papa.

"My God, you're going to kill me! That girl resembles your mistress alot! Pinapaalala niya sa akin na may babae ka noon!"

"God, Brenda! The girl won't harm you for pete's sake!"

"Tanggap ko pa si Bram dahil kamukhang kamukha mo pero iyang babae na 'yan... Hindi ko alam kung makakaya kong nandito siya sa bahay, Liam! What if she's not even your daughter! Baka piniperahan kana naman ng kabit mo at nagpapauto kana naman tapos kasabwat niya iyang anak niya!" she spat angrily.

"Don't insult my daughter, Brenda. Palalampasin ko ang pang-iinsulto mo kay Tasha pero kay Tracey na wala namang kasalanan..." My father's voice trailed like it's a warning.

Naiintindihan ko ang galit ni Tita Brenda sa akin. Lalo na't kahit si mama, naiintindihan din siya. Iyon ang rason kaya ayaw kaming ipakilala ni mama kay papa. Dahil natatakot si mama na makasira ng pamilya, at ayaw niya kaming mainsulto.

Noong una kong araw rito ay umiyak rin ako dahil sa pangungulila kay Mama, pagluluksa kay Kuya Bram, paninibago sa bahay at lungkot. Gabi gabi akong ganoon at kahit sa hapon ay umiiyak na naman ako pag naririnig kong nag-aaway si Papa at Tita Brenda.

Kaya noong pina DNA Test ako ay di na ako nagtaka. 99.9 percent positive na ama ko si Papa kaya imbes na makampante si Tita Brenda na totoo akong anak ni Papa ay nasuklam lamang siya sa akin lalo.

"Why are you so mabagal ba?" Ang inis na inis na si French ay nagmartsa na papasok sa aking kuwarto kinaumagahan. Nakasunod naman sa kanya iyong maid na para sa akin at tinanggihan kong tulungan ako sa aking mga gamit bilang unang pasok sa eskwelahan.

"Help her nga!" Inis niyang sabi roon sa katulong na natataranta rin naman akong tinulungan sa aking uniporme.

Ang ganda ganda ni French sa kanyang puting uniporme at kulay blue na ribbon sa gitna ng dibdib. Magkatulad lang rin naman kami ng uniporme pero natatagalan talaga akong isuot iyon dahil hindi ako sanay.

"You have a natural wavy hair pala... You should wear some hairpins..." Binigyan ako ni French noong parehas na hairpin sa kanya kaya tuwang tuwa ako roon.

"Salamat..." tipid akong ngumiti sa kanya at sinimulan iyong ilagay sa gilid ng aking buhok.

Sumimangot naman agad ito.

"Why are you so formal ba? You should try speaking conyo... It's not hard naman since you're smart..."

"Ah... Di ako sanay eh..." Marahan kong sabi na ikinangiwi niya.

"Try speaking it in conyo..."

Napisil ko ang aking labi.

"Uhm... I'm not... uh... sanay?" nahihirapan kong sabi na ikinabungisngis niya agad.

"Try ka pa!" natatawa niyang sabi.

Ngumuso ako at nagpigil naring matawa.

"Ah... I'm speechless na..." sabi ko na ikinahagalpak niya talaga ng tawa.

"Make it more mataray like this. I'm speechless na!" May pa attitude niyang sabi at naggulong pa ng mga mata.

Tumikhim ako at ginaya rin ang kanyang boses.

"I'm speechless na!"

Pumalakpak siya at tuwang tuwa na kahit ako ay napangiti na kaso mabilis ring nabura dahil sa paglingon sa amin ni Brennan na nasa harapan ng sakay naming SUV bilang hatid sundo namin sa school.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now