Capitulo 1: 14 YEARS AFTER

1 0 0
                                    

MAAYOS na nililinis ni Marco ang kanyang sasakyan at minamadali nya ang paglilinis nito dahil aalis pa sya at kinakailangan nyang matungo ng OSS headquarters. Nang matapos ay niligpit nya ang mga gamit panlinis saka sya pumasok sa loob ng bahay nya. Mabilisan din ang ginawa nyang pagligo tapos ay nagbihis. Kinuha nya ang susi ng kanyang motor tapos ay lumabas ng bahay. Nilock nya ang pintuan. Umangkas agad sya sa kanyang motor matapos maisuot ang helmet saka binuhay ang makina at pinasibad ito paalis.

It's been fourteen years at sa mga taong lumipas marami ang nagbago. His mother's brother Franco got married to Anley Montenergo. The former OSS had been returned to their right places and they got reconciled with them. Everyone had a happily life.

Marco built his own house at malapit lang sa OSS headquarters ang pinatatayuan nito ng sariling bahay. Fifteen minutes drive lang ito. He live separately mula sa kanyang tito Franco. His siblings is in Brazil together with their father.

Pagkadating nito sa headquarters ay deretso lang nya itong inihinto sa bungad ng daan at mabilisan ang pagbaba nya sabay hubad ng helmet at isinabit sa may side mirror tapos ay patakbong pumasok si Marco sa loob. Derederetso ang pasok nya sa kabubukas lang na elevator. Hindi na nya nabati pa ang mga staffs dahil nagmamadali na talaga sya. He looks at his wristwatch. Malapit na ang oras. Nang tumigil sa floor nya ang elevator lumabas agad sya pagkabukas pa lamang.

Nakaabang sa may bungad ng pinto si Justice sa kanya. Seryosong-seryoso ang tingin nito. She saw him. Binilisan ng konti ni Marco ang paglalakad at huminto sa harap ng babae. Justice didn't change for the past years. Lahat sila na OSS members talaga namang walang pinagbago but still he is always be their youngest one.

"Günaydın tita J." bati nito kay Justice. Nilapitan sya ng babae at inayos nito ang medyo nagusot na damit ng lalaki. Humalik sya sa pisngi ng babae.

"Kanina ka pa hinihintay ng lahat sa loob." hayag ni Justice dito at wala na ang pagkaseryoso ng itsura nito but she didn't greeted him back.

"Madami kasi akong inaasikaso sa bahay tita J." hayag ng lalaki dito.

"Naglilinis ka na naman ano?" tanong ng babae dito sabay bukas ng pinto.

"Medyo po tita." tipid ang pagkasagot ng lalaki at sumunod na pumasok kay Justice sa loob.

Kompleto nga ang lahat sa loob ng conference room at sya na lang ang hinihintay. Humingi sya ng despensa saka nagtungo sa kanyang pwesto. Sinimulan na agad nya ang diskusyon sa mga kasama. Mahigit dalawang oras ang nagugol nila sa loob ng conference room.

Ang lahat ng OSS HPF ang nasa loob pati ang tatlong members ng Traj Finn. They are all still the same. They just mature dahil sa mga edad nila pero magagaling pa rin ang mga ito sa lahat ng bagay. Isa-isang nagsilabasan sina Keiran ng conference room maliban kay Justice at ang Traj Finn.

Audrey got married to Colton habang si Jeil got married to Walker tapos si Rutriz got married to Jaden unexpectedly. Maayos ang married life ng tatlo. Nagkumpulan ang lima sa may pinakadulong bahagi ng mesa na malapit sa may pintuan. Pinagitnaan ng apat si Marco.

"It's been awhile Marco." nakangiting hayag ni Jeil sa lalaki.

"It is mga ate." sang-ayon nya.

"May pinagkakaabalahan ka ba maliban sa trabaho mo dito?" tanong ni Audrey dito.

"Kahit sa bahay trabaho lang naman ang inaatupag ko. Minsan dumadalaw lang ako kina tito Franco o di kaya uuwi ako kina dad at limang araw ako do'n." sagot ni Marco.

"Ganyan lang ang routine ng lalaking yan." hayag pa ni Justice na talaga namang sinang-ayunan nito.

"You should settle down na Marco. You're already suitable sa edad mo ngayon." hayag ni Rutriz dito.

Marco PadukoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon