1

3 0 0
                                        

Ilang numero pa ba ang kailangang bilangin
Upang ang mga salitang nais na iparating
Ay nawa'y kusang lumabas sa aking bibig
Nang maihayag ang aking damdamin

Ilang minuto na nga ang muling lumipas
Hindi parin nakakaalis sa kinatatayuan
Tunog ng puso ay lumalakas
Na para bang gusto ng kumaripas

Minsan nga'y sumusulyap sa iyo
Ngunit agad na binabawi ang aking pagtingin
Dahil sa tuwing ikaw ay lilingo, ako ay nahahagip
Na nagpapasikip lalo sa aking dibdib

Mga butil ng pawis ay tumutulo na
Kasabay ng mga kamay na nangangatal pa
Na sumasabay sa daloy ng aking mga ideya
Habang tinatanong ang sarili kung ako ba ay magpapakilala na

Ngayon ay naglakas loob para makalapit sayo
Nagdamit ng maayos at nag-ayos ng buhok
Dahan dahan naglakad patungo sayo
At pangitingiti habang nilalakbay ang landas ko

Bigla na lamang napatigil sa paghakbang
Na para na yatang napulikat ang aking mga paa
Ang aking mata ay naluluha na
Sa mga bagay na aking nakikita

Yan na yata ang sinasabi nila
Iyan ba ang kasintahan mo na ubod ng ganda?
Kahit ilang ligo at suklay ang aking gawin
Wala talaga akong panama sa kaniya

Gumuho na nga ang aking mundo
Apat na taon ako nag-ipon ng lakas ng loob
Ilang taon ang sinayang upang maghanda
Sa giyerang buong buhay ay itataya
Para sa princesa na iniligtas na ng iba

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 14, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Thoughts Donde viven las historias. Descúbrelo ahora