We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Waiting Shed

4 0 0
                                        

Waiting shed

Isa nalang aalis na

Ang byahe ni tadhana ay muling nag lakbay, at sa susunod na istorya'y di nako kadamay

Hindi dahil sa ayoko na

Hindi dahil sa pagod na ako

Hindi dahil sa sobrang sakit na dulot ng byaheng ito

Hindi dahil sa nakakapagod

Hindi dahil sa nakakayamot

Hindi dahil ma traffic

Hindi dahil sa nakakainip

Hindi dahil maraming kasabayan during the roadtrip

Hindi dahil kulong padin sa nakaraan

Hindi dahil sa hindi makasabay sa kalakaran

Kundi dahil iniwan sa waiting shed ng luhaan

Handa na sanang sumugal

Handa nang makipagsiksikan sa maliit na space na inilaan

Handa nang mag bayad ng buo kahit wala pang panukli

Handa nang maging seryoso kahit ikaw ay hindi

"kahit ikaw ay hindi"

.....

Sa makipot na daan ng byahe ni tadhana ay may disgrasyang dumating

Pinilit mag hanap ng ibang byahe ngunit lalong ipinamuka na ikay iniwan parin

Ikaw ay natalo at yan ang totoo

Paulit ulit na sinasabi sa sarili ko

At sa pag patak ng mga luha sa kaliwa at sa kanan

Nabuo ang sandigan na ikay ipaglaban

Wala namang masama na mag hintay kahit muka kang tanga

Masakit mang isipin pero totoo naman talaga

Muling gumawa ng paraan dasal dito dasal doon

Si bathala'y kinukulit na ibalik ang kahapon

Nakakatawa diba,

Pinilit nating hinahabol yung mga umaalis na byahe

Umaasang sa eskwela umabot tayo sa unang klase

Nakakatawa diba,

Kasi masyado nating hinahabol kahit alam nating hindi pwede

Naunahan ka sa pag sakay kaya ang plano mag hintay ng panibagong byahe

Nakakatawa diba,

Kasi nag mumuka natayong tanga kakahintay

Napapabayaan ang sarili para lang sa pinaglalaban na pag mamahal

Pero iyan ang punto ng tulang ito,

Sa waiting shed iniwan ka ng puno ng sakit

Pero si God ang pag tawa'y hindi sa iyo ipinag kait.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting ShedStories to obsess over. Discover now