Unang Digmaan

1 0 0
                                        



Ang aming pinanggalingan,
Nakaraan,
Ang una naming pag labas na kung saan hindi ko siya matingnan ng hindi nanginginig sa kaba,
Ang una naming halik, kung kailan napuno ng hangin,
Ng pangako,
Ang hangin sa pagitan namin
Halos biyakin nito ang daigdig sa dalawa,
Ang hirap.
Ang hirap isipin na minsan kaming maligaya.
Bago pa siya, ang naging butas sa aking mga medyas,
Bago pa ako ang naging punit sa kanyang paboritong mga damit,
Parati namin itong ginagawa.
Parating naiipit sa mga sirang bahagi ng isatisa.
Paulit ulit na nagpumilit na ipagdikit ang bawat dulo namin na ni minsa'y hindi nagtugma.
Tinawag namin tong pagibig.
Pinangalangang walang hanggan, "Walang kapaguran"
Sinubukang diligan ang hardin na tumubo sa aming bakuran
Kahit iisang bulaklak lang ang kaya nitong pasibulin
Bulaklak, na akala moy namuong dugo
Bulaklak, na yun at yun ang bilang ng mga talulot
Laging nag wawakas sa hindi nya ako mahal.
Hindi nya na ako mahal.
Eto ang kanyang paglilihim,
Ang aming napipintong wakas,
Ang katahimikang pinag palitpalitan sa hapag kainan,
"Gusto ko lang naman sana ng asin!"
Pero ang asinan ay nandoon,
Sa kabisera ng kanyang pag tataksil
Binuburan ko nalang ang karne ng kanyang katahimikan,
Hinalikan parin siya pagkatapos ng gabi
Hindi kasing pait ng inaasahan ang kanyang mga labi.
Heto, ang mga alaala bago ang unos.
Noong mga panahong hindi pa namin iniinda ang mga titig, ang mga mata nayun na akala mo ay mga kamao,
Na kumakalampag sa aming mundo,
Nag pupumilit na malaman kung sino kami,
At saan kami nabibilang.
Ang mga gabi nayun,
Na ginawang karagatan ang mga kumot at pinalutang ang aming katawan sa laot,
Ang aming damdamin, humahampas sa dalampasigan ng pagnanasa,
Heto, ang kung paano ko basahin ang kapalaran ko sa mga palad niya.
Kung paanong hindi kami niligaw ng aming mga dila sa mapa ng aming  mga katawan.
At minahal namin ang isa't isa ng kay tindi,
Gumaspang ang aming lalamunan,
Lahat ng gabing yun, ginugol ko sa pagkabisa ng kanyang samyo,
At sinusumpa ko,
Nakapiring man ay mahahanap ko siya sa karagatan ng mga tao.
Hanggang ngayon, sa tingin ko ay kaya ko.
Heto, ang araw na umalis siya,
Ang kanyang "Pagod na pagod nako, sumosobra ka na"
Ang aking "Wag mong gawin sa akin to!"
Ang kanyang "Hindi mo ba nakikitang said na said na tayo?"
Ang aking '' Ibinigay ko sayo ang lahat"
Ang kanyang "Wag na wag kang makasulat ng kahit na anong tungkol sa akin!"
Ang aking "Hindi ko na kailangan pa!"
Noon, at noon pa man, ay isang tula na siya.
Paulit ulit saking sinasabi,
Na alalahanin lang ang maganda,
Ang mga tawa,
Ang tahanang binuo,
Ang paglalakad,
Paglalarmyenda,
Ang pag bili ng silya at lamesa,
Minahal ko ang mabuhay sa piling niya.
Pero nag iisa lang yata ako sa sentimyento,
Digmaan siya, na natapos kong buhay,
Pero patuloy akong pinapatay.
At sa sobrang pag hahanap ko sa kanya
Ay hindi ko na makilala ang sarili kong mga kamay.
Sumisid man ako sa laot para lunurin ang kanyang mukha,
Ay aahon parin ako sa lasa nya ng hindi nauumay.
Sabihin mo:
Anong gagawin ko sa kaguluhang ito?
Dahil tumigil na akong bumilang ng oras sa mga segundo,
Sa halip, ay pagitan ng paghinga nya ang binibilang ko,
Sarili kong mga dugo ang nadidinig ko kapag dinadama ko ang kanyang pulso,
Sabihin mo.
Dahil hindi bat parating may salita para sa kahit na ano?
Pero wala,
Walang salita ang sasapat dito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Patungo Sa Ating PagkawasakMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon