"A-anong ibig sabihin nito?" tanong ni Alexandra sa boyfriend niya ng maabutan niya ito at ang bestfriend nito, na isa ring lalake, na naghahalikan sa loob ng kotse nito.
Gulong gulo ang isip niya sa mga nangyayari. Nagulat siya sa nasaksihan. Halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman. Galit. Sama ng loob. Lungkot.
Galing siya sa trabaho ng maisipan niya na dumaan sa isang fast food chain para mag take out ng pagkain.
Naglalakad na siya papunta sa plaza kung saan dapat sila magkikita ng kanyang boyfriend ng makita niya na nakaparada ang kotse nito sa likod ng building kung saan ito nag g-gym.
Lumapit siya dahil nakabukas ang headlights nito. At dahil gabi na at medyo madalim sa area kung saan nakapark ang boyfriend niya ay di niya naaninag kung may kasama ito o wala.
Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat sa harap at nagulat siya sa naabutan.
"M-mahal, l-let me explain..."gulat din na sagot ni Andrew sa kanyang girlfriend. Samantalang napayuko na lang ang best friend nito na si Bryan.
"No... I can't. I just..." yun na lang ang tangi niya ng nasabi. Naibagsak niya ang dalang pagkain at bigla na lang tumakbo palayo.
Never niyang naisip na mangyayari ito. They we're best friends bago maging sila. Magkakilala sila since high school. Walang bakas ang boyfriend niya ng pagiging silahis at masasabi niya na lalaking lalaki ito. Maging ang bestfriend nitong lalaki ay matagal na rin niyang kaibigan at masasabi rin niya na wala siyang nakita noon pa man na malisya sa kilos ng dalawa.
Narating ni Alexandra ang waiting shed at umupo saglit. Pagod na pagod siya physically and emotionally. Tumutulo pa rin ang kanyang luha.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at binuksan ito. Nag book siya ng Grab. Ilang minuto lang ay dumating ang kotse at dali daling sumakay.
Tahimik siyang humihikbi habang nakatingin sa malayo. Di niya napansin na panay ang sulyap sa kanya ng driver. Maya maya pa ay di na nakatiis ang driver.
"You okay?" Tanong naman ng driver na isa palang babae. Napatawa din naman ito dahil alam niyang isang stupid question ang kanya ng tanong."Sorry. Obviously, you're not okay."
Napatingin naman si Alexandra dito at pilit na ngumiti.
Nang mapadaan sa isang convenience store ay saglit na itinigil ng babaeng driver ang sasakyan."Wait here. I'm just gonna buy something." Sabi nito at ngumiti bago bumaba ng sasakyan.
Napatitig na lang siya dito. She can't believe na iniwan siya ng babaeng Grab driver sa loob ng sasakyan nito. Pansamantala niya ng nakalimutan ang problema niya.
Maya maya pa ay nakita niyang papalabas na ng convenience store ang may ari ng kotse at may dalang dalawang paper bag.
Nagawa pa niya talaga mag grocery bago ako ihatid?
"Hey! Sorry medyo natagalan ako." Inilapag niya ang mga pinamili niya at may kinuha sa isang paper bag."Eto. Sorry. Hindi ko alam kung ano gusto mo kaya eto na lang kinuha."
Takang taka man ay wala sa sarili na tinanggap niya yung hotdog sandwich at chocolate drink na ibinibigay nito sa kanya.
"Kumain ka na dyan." anito na nakangiti.
"Why are you doing this?" nagtatakang tanong niya. Ano bang malay niya kung may lason yung pagkain na inabot nito sa kanya.
Saglit na sinulyapan siya ng babae sa rear view mirror at kumagat sa sandwich din na binili nito. "Food is one of the most comforting thing in this world." sagot naman nito pagkalunok sa nginunguyang pagkain.
Tama nga naman ito. Pero it is not what she needs right now. Gusto lang niyang makauwi ng bahay at magkulong sa kwarto.
"Hindi tayo magkakilala kaya I doubt na magkukwento ka. Kaya naisip ko na ibili ka na lang pagkain. Don't worry. It's not poisoned and I won't charge you for that."
Kumulo ang tiyan ni Alex. Naalala niyang hindi pa pala siya kumakain at iniwan niya yung pagkain dala niya sa parking area kung saan niya nakita ang boyfriend at ang kaibigang lalaki nito na magkadikit ang labi.
"Kumain ka na. May pinagdadaanan ka man pero hindi mo pwedeng hindi pansinin ang pagkalam ng sikmura mo." dagdag nito.
Tahimik na nagmaneho na ang babae at siya naman ay sinubukan kumain. Dahil sa pagod sa pagtakbo at sa gutom ay naubos niya din ang hotdog sandwich. Ininom niya yung chocolate drink at naramdaman niya na medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Nahuli niya na pasulyap sa kanya ang babaeng driver. Napangiti ito ng maubos niya ang pagkain.
"Thank you." medyo nahihiya niyang sabi sa babae.
"No problem." nakangiting sagot naman nito. "By the way I'm Selene."
"I'm Alex." tipid na sagot niya rito.
Saglit na nawala sa isip niya ang pinagdadaanan. Curious siya dahil first time niya may mameet na babaeng Grab driver.
"Hindi ba delikado? I mean... Babae ka tapos Grab driver." tanong niya rito.
"Not really. May stock ako ng pepper spray sa ilalim ng upuan ko at kahit pa paano ay medyo marunong ako ng self defense." Natatawang sagot ni Selene sa kanya. "Atsaka part time ko lang to. Pampalipas oras lang. Pag stressed ako sa mga deadlines sa trabaho. I really love driving."
Napatango naman siya. Magaan ang pakiramdam niya kay Selene. Mabait ito at mukhang mapagkakatiwalaan.
"Okay ka na ba? You know.. Sometimes.. Mas okay na mag kwento ng mga problema mo sa hindi kakilala kesa sa mga kakilala mo." tanong ni Selene.
Naisip ni Alex tama si Selene. Lahat kasi ng kaibigan niya ay kaibigan din ng boyfriend niya. Ayaw niya mag kwento sa mga ito kasi ayaw niyang kumalat ang issue sa mga kaibigan nila. Malaking eskandalo din kung ikukwento niya sa family niya ang nangyari. Ayaw din naman niya na ibuking ang boyfriend niya. Mahal pa din niya ito pero hindi pa siya handa na mag usap sila. Masakit kasi para sa kanya na sa tagal nilang naging mag kaibigan at mag partner ay hindi niya alam na gay pala ito...
Napabuntong hininga si Alex bago magsalita
"I caught my boyfriend and his guy friend kissing."
"What?!"
"Yeah." bumalik na naman ang lungkot sa mga mata ni Alex. Napatitig na lang siya sa mga nadadaanan nila. Kahit pa paano kasi may kakaibang saya na dala ang city lights para sa kanya.
Hindi naman na nag abala magtanong pa si Selene kasi alam niya ang nararamdaman ni Alex kaya hinayaan na lang niya ito.
Maya maya pa nagsalita si Selene. "Medyo malapit na tayo sa bababaan mo."
Narating din nila ang subdivision na tinitirhan ni Alex.
