"Yes Ma! Opo malapit na! Tumirik kasi iyong motor ko.. Opo, opo! Alam ko po ma! Mas gusto ko yung motor ma kaysa sa car na bigay ni Tita Luz. Eto na nga po nasa loob na ng mall. Don't worry ma, natawagan ko na si Bea nandyan naman siya saka malapit na ko." Pinakita ko sa lady guard ang laman ng bag ko.
"Eto na ma. Sige na ibaba ko na to. See you ma. Mwuahh" napangiti ako sa kakulitan ng Mama ko.
Hindi ko naman kasi akalain na titirik na naman si Melo yung motor ko. May isang jewelry store na opening ngayong araw na ito at ang nakuhang flower shop na mag decorate sa kanila ay ang pag-aari ko. Kaya ayun ang mama ko naaaligaga na naman. Nahahawa tuloy ako sa kanya. Lakad takbo na ang ginagawa ko para lang makaabot sa opening.
Blaggg!
Kainis kung kailan talaga nagmamadali. Nanlaki ang mata ko ng hindi nashoot ang cellphone ko sa bag ko at kasabay ng pagkakabangga ko sa isang bulto ang pagtilapon nito sa kaliwang side ko. Ihhhh!
Agad ko itong tinakbo at pinulot nakita kong patay na ito. Kung minamalas ka nga naman kanina yung motor ko ngayon naman itong cellphone ko.
Binalingan ko ang bultong nakabangga ko at ganun nalang ang pitlag ko ng biglang nagkatagpo ang mga titig namin kasabay ng malakas na pintig ng puso ko. Ilang segundo ko rin siyang natitigan at napagmasdan. Kaya pala ang lakas ng tilapon ng cellphone ko ang laki ng katawan nito. Napansin ko rin ang malalim na pagkakatitig nito sa akin na lalong nagpabilis ng pintig ng puso ko.
Sabagay lakad takbo nga pala ginawa ko paanong hindi bibilis pintig nito.
"So-" hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil sinenyasan ko nalang siya at tinanguan. Dumeretso na ulit ako ng lakad takbo papunta ng Jewelry Shop ng Ninang Maricel ko.
YOU ARE READING
Love at First Sight
RomanceLove at first sight, doon daw nagsimula ang pag iibigan ng kanyang ina at ama. Pero sa kabila noon ay hindi siya naniniwala doon dahil wala naman siyang kinagisnang ama. Kahit anong paliwanag ng kanyang ina na totoo iyon ay hindi siya naniniwala. Ha...
