Kabanata 5: Pagbabago

Magsimula sa umpisa
                                    

Naaalala ko naman na bibilhan ko nga pala siya ng mga gamit. Kaya pinalabas ko muna siya para makaligo na ako at makapag-ayos.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko naman siyang kausap si Lola. "Good morning, Lola!" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Oh, iha. Kahit kailan talaga antukin ka. Gusto ko pa man ding magkwentuhan tayo kaso tulog ka naman. Mabuti na lang at masayang kausap itong si Joey. Napakagalang pa na bata. Hindi ko naman nakikitang beki siya, iha, di kagaya ni Boyet. Kung boyfriend mo naman siya, di naman kita papagalitan," sabi ni Lola. Mukhang nakahalata ah.

"Hindi po, Lola. Bakla po talaga itong si Joey. Paminta po. Lalaki on the outside, babae on the inside. Kaya po ganyan siya kumilos. Dami nga pong naging boyfriends niyan eh, di ba Joey?" magkasunod kong sabi kina Lola at Joey. Tumango at ngumiti naman si Joey kahit halatang naguguluhan sa mga sinabi ko.

"O sige na nga, iha. Sabi mo eh. Siya nga pala, aalis pala kayo sabi ni Joey. Mag-ingat kayo ha."

"Yes, Lola. Dadalhin ko po ang kotse."

"Doblehin mo ang pag-iingat, iha. Wag kang maging kaskasera dito kahit na walang traffic. Doon daw sa Maynila ay napakabilis mong magpatakbo kaya madalas na kabahan ang Mama mo sayo. Bagalan mo lang ang pagpapatakbo, makakarating naman kayo sa patutunguhan ninyo. Maliwanag ba, Penelope?" panenermon ni Lola.

Si Mama talaga. Lagi na lang akong kinukwento kay Lola. "Yes po, Lola. Alis na po kami, baka naghihintay na sa Balanga ang family driver nina Joey. Sabi po kasi namin, doon siya maghintay dahil baka maligaw pa siya 'pag nagpunta dito. Bye, 'La, pakisabi na lang po kay Mama."

Humalik muna ako kay Lola bago umalis. Pumunta kami sa garage at pinasakay si Joey sa passenger's seat. Pagsakay ko naman sa driver's seat, halata sa mukha niya ang amazement.

"Sadyang napakaganda at napakamoderno ng sasakyang ito! Mga kalesa lamang ang aking madalas na makita sa aking panahon, subalit hindi ako makapaniwalang ganito kaganda ang isang modernong sasakyan! Kahanga-hanga!" di niya napigilan ang excitement. Napa-smile naman ako sa kanya.

"Naku, Joey. Marami ka pang makikita mamaya," sabi ko sabay start ng engine.

***

Marami ngang nakita si Joey na first time niya talagang makita. Ang patag at sementadong daanan, ang mga dikit-dikit na bahay, ang iba't ibang sasakyan like tricycle, jeep, bus at iba pang types ng cars at vans at ang mga buildings at factories na nakita namin. Mas lalo siyang mamamangha 'pag nasa Manila na kami.

Tinuro ko din sa kanya ang Shrine of Valor o Dambana ng Kagitingan, isang malaking cross sa tuktok ng bundok na Mt. Samat. Na-amazed na naman siya nang ikwento ko kung bakit itinayo iyon.

"Lubos ngang naghirap ang mga Filipino sa tatlong magkakaibang pananakop. Napakatagal na panahon iyon. Natutuwa ako na malaya nang nakapamumuhay ang aking mga kababayan sa panahong ito. Kung ako nga ay magiging isang bayani, ano-ako kayang mga bagay ang aking gagawin para sa aking bayang sinilangan? Ako ba ay mamamatay para sa pagtatanggol para sa kalayaan?" bigla niyang na-realized pagkatapos kong magkwento.

Ibig sabihin, hindi pa niya nababasa ang book na pinahiram ko? Buti naman. Feeling ko malulungkot siya kung malalaman niya kung paano siya mamamatay.

Hindi ko na lang siya sinagot sa mga tanong niya. Iniba ko na lang ang topic para maiba ang mood. Tinanong ko siya kung nagka-girlfriend na ba siya. Parang nahihiyang napangiti siya.

"Ako ay maraming mga babaeng hinahangaan sa aking panahon ngunit ilan lamang sa kanila ang aking naging nobya. Sa ngayon, ang ibig kong sabihin ay ang kasalukuyan noong aking panahon, ay wala akong nobya. Ang aking pag-aaral ang lubos na mahalaga para sa akin," kwento niya

"Marami nga po akong books na nabasa na chickboy daw kayo eh," biro ko.

"Chick...boy?" tanong niya.

"Ah. 'Yung chick po kasi ay isang modernong salita para sa mga babae. Boy, lalaki. Kaya po ang isang chickboy ay isang lalaking mahilig mambabae," paliwanag ko.

Napatingin siya sa akin. Di ko naman din naiwasang tingnan siya. "Hindi totoo iyan! Ako ay hindi ganyan. Ilang beses pa lamang akong umiibig nang totoo."

"Hindi pa po nangyayari pero sa mga susunod ninyong taon, doon kayo magkakaroon ng maraming girlfriends."

"Ganoon ba? Hindi ba naging negatibo ang pagtingin sa akin ng mga tao?"

"Hindi po. Isa 'yun sa mga unique qualities ninyo at hindi naman naging pangit ang perspective ng tao sa inyo. Ang iniisip nga nila ay isa kang handsome man."

"Handsome? Magandang lalaki ba ang iyong ibig ipahiwatig?"

"Opo. Naks, natuwa kayo ah."

Napangiti siya nang tingnan ko. "Isang nakakatuwang obserbasyon iyon patungkol sa akin."

Sakto naman na nasa Balanga na kami. Pumunta kami sa isang mall doon. Katulad kanina, naaliw na naman siya sa nakita niya.

"Kaygandang gusali! Ang akala ko ay isa itong palasyo o isang paaralan ngunit kakaiba ang nasa loob nito! Napakaraming mga kainan, mga pamilihan! Kamangha-manghang tanawin!" very amused niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Napatingin naman sa kanya ang mga kasabay namin sa escalator. Napalakas kasi ang boses niya, tapos nakikita din nila ang medyo weird niyang damit. Parang gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang hiya ko.

Mabuti na lang at nakalayo na kami sa mga taong iyon kanina. Kinausap ko naman si Joey sa isang tabi. "Joey, medyo hinaan mo lang ang boses mo 'pag magkausap tayo ha. Tapos umarte ka muna na parang nakita mo na ang lahat ng ito dati kaya normal na lahat ito sayo. Ayaw ko kasing mapahiya ka. Like n'ong kanina, pinagtitinginan ka nila."

"Ganoon ba. Mabuti na lamang at iyong sinabi. Ako ay susunod sa iyong tagubilin," sabi naman niya.

"O sige, let's go na para makapili tayo mga damit mo."

***

Dumiretso kami sa Men's section sa Department Store. Dahil alam ko naman na wala siyang alam sa mga ganoon, ako na ang pumili ng isusuot niya. 2 polo shirts, 4 t-shirts, 3 pants, 3 tokong, at 3 packs ng briefs. Pinasukat ko muna ang mga shirts and pants. Nang makita ko siya nang suot na ang mga 'yon, ako naman ang naamazed. Mukha na rin siyang normal young adult like all of us.

Nag-thumbs up naman ako sa kanya. Napangiti naman siya. Sinabi kong huwag na niyang hubarin dahil iyon na ang isusuot niya. Pinabalot ko na lang sa saleslady ang mga old clothes niya.

Nang nasa cashier na kami, binalik sa akin ng babae ang credit card ko dahil na-max out na daw. So wala akong ibang choice kundi gamitin ang cash ko, na pinaghirapan kong ipunin. Medyo emotional pa ako nang iabot ko sa kanya ang bayad ko. Back to paglalambing na naman kay Papa via phone mamaya.

Kumain muna kami sa isang Chinese Restaurant bago kami umuwi. Tuwang-tuwa na naman siya dahil bago sa panlasa niya ang mga dishes na inorder ko.

Noong papunta na kami sa may parking lot, may tumawag ng pangalan ko. Lumingon naman ako sa likod pero wala naman. 'Pag harap ko, muntik nang malaglag ang panga ko kung sino ang nakikita ng dalawang mata ko.

"Marco?" ang tangi ko na lang na nasabi.

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon