Agad naman siyang humalik sa pisngi ko tapos kinuha sa kamay niya yung isa kong kamay bago tahimik na nag-drive paalis.








"Ano, kalmado ka na ba? Napakahilig mo makipag-diskusyon."











Panenermon ko sakaniya. Nilingon niya lang ako ng saglit bago ngumisi na parang nangaasar. Natawa nalang ako sa reaction niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaing kasama ko sa loob ng kotse.









He's not perfect. He is flawed and that's why he is perfect in my eyes.










Hindi ko napigilang bawiin yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya para haplusin yung mukha niya at halikan siya sa pisngi.











"In love na in love ka nanaman sakin, baby."










Panunudyo niya saakin sabay ngisi at kindat.










"Lakas mo ha. Ako pa talaga? Baka nakakalimutan mo na--"












"Oo na po. Oo na. Nagpakipot ka naman ng ilang taon."













Sabi niya sabay ngiti. Hindi ko inalis sa mukha niya yung tingin ko. Hindi ko madalas sabihin sakaniya pero totoo naman, inlove na inlove ako sakaniya.









Paanong hindi?









Nakita niya ako sa worst ko. Andun siya nung mga panahong galit na galit ako sa mundo dahil naghiwalay ang parents ko at nagrerebelde ako. Kaya nga niya ako nakilala eh, dahil gabi gabi ako sa club.













Gabi gabi akong lasing at siya yung nagtyatyagang gisingin ako sa umaga para lang makapasok ako sa mga subjects ko.











Asar na asar pa nga ako dati sakaniya kasi pakiramdam ko pinapakialaman niya ako. Pero hindi siya sumuko saakin.










Andun siya nung mga panahong wala akong direksyon.











Siya yung palagi kong napagbubuntunan ng galit ko sa mundo.










Minahal niya ako nung mga oras na pakiramdam ko ay hindi ako kamahal-mahal. Kaya walang dahilan para hindi ko siya mahalin despite his flaws.









"Baby? Asan ka? Kanina pa kita kinakausap, huy!"











Sabi niya saakin na nagpabalik saakin sa huwisyo. Nakahinto na kami noon sa harap ng isang restaurant at kanina pa pala niya ako kinakausap at tinatanong pero pre-occupied ako.









"Sorry. Ano nga yun?"










Nakangiti kong sabi pero kunot na ang noo niya.










Uh-oh. Alam ko na yung mga ganun niya naiinis nanaman agad. Niyakap ko nalang muna siya at hinalikan ulit sa pisngi.









"Sorry na. Humahaba nanaman nguso oh."











Sabi ko bago ko siya tinignan ulit. Bumuntong hininga lang siya bago ako hinalikan sa noo.










"Sabi ko, halika na at kumain na tayo."










Mahinang sabi niya saakin. Humalik muna ako sa mga labi niya bago nag-alis ng seatbelt. Pinagbuksan niya ako ng pinto, ever the gentleman that he is, bago kinuha ang isa kong kamay.











PlaylistWhere stories live. Discover now