Tadhana na makapiling mo ako
Tadhana na makapiling kita
Tadhana na tumibok mga puso natin at Diyos tayo'y pinag isa
Tadhana ang siyang dahilan din kung bakit may dalawang anghel na nagbibigay saya, nagpapakulay at nagpapaningning sa buhay nating dalawa
Lahat ng relasyon ay inuulan ng problema
binabagyo ng mga pagsubok
Ang sa atin ay talaga namang binaha pa
Ngunit dahil sa sinusuong natin lahat ng iyon ng magkahawak kamay na sobrang higpit talaga kaya hanggang ngayon nananatili tayong buo at nasa piling ng isa't isa
Mapalad ka sabi nila dahil may isang katulad ko sa buhay mo
Tama sila napakapalad mo gaya ng pagiging mapalad ko dahil merong isang ikaw sa buhay ko
Mapalad tayu dahil kapiling natin ang bawat isa
Salamat ng sobra sobra sa Diyos na lumikha
Dahil inilaan ka nya para sakin
Dahil inilaan nya ako para sayo
Dahil tayong dalawa ay itinadhana
