"Huy! Ano ba, Jackie. Sasagutin mo ba yang phone mo o itatapon ko yan sa bintana para hindi maistorbo panonood ko?"











Sabi ni Madc sakin sabay kalabit. Dun ko lang napansin na nagriring na pala yung phone ko. Agad kong hinablot yun at sinagot kahit hindi ko pa tinitignan kung sino. Alam kong si Tom yun.









"Hello! Kung sino man yung pinadala mo kanina, hindi uubra. Pagtitripan mo pa talaga akong lalake ka!"











Gigil na sabi ko bago tumayo mula sa sofa para pumasok sa kuwarto dahil baka ako naman ang itapon ni Madc sa bintana. Ayaw na ayaw talaga niya na may maingay pag nanonood siya ng Kdrama kasi. Hirap na nga daw magbasa ng subtitle eh mag-iingay pa. Marahan kong sinara yung pintuan bago pabagsak na humiga sa kama habang hinihintay sumagot yung kausap ko.










Static lang.









"Hello?? Ano ba!"





Inis kong sabi bago dumapa sa kama.









Static pa din pero naririnig kong may nagsasalita sa kabilang linya.








"... Ja..ckie... Jo... Vice.."









Nagtataka kong tinignan yung phone ko at kunot noong binalik ulit yun sa tenga ko. Ano daw? Vice?









"Kung sino ka man, hindi kita maintindihan. Kung nantitrip ka, wag na lang ak--"










"Jackie! Si Vice 'to. Alam ko hindi mo ako maalala pero bumalik na ako. Bumalik ako para sa'yo."










Malinaw na malinaw yun. Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Ano daw?








"Tama ka, hindi kita kilala. Wrong number. Bye!"








Sabi ko sabay putol sa tawag. I rolled over in bed bago pumikit. May kung anong gumugulo sa isip ko tungkol sa taong kausap ko. Kaboses din niya yung kanina.






"Tsk! Ang weird na nga ng buhay ko, dadagdag pa 'to."







Bulong ko sa sarili ko. Nanatili akong nakapikit habang nag-iisip kung paano niya nalaman pangalan ko at ano nga daw pangalan niya?






"Vice?"





Mejo napalakas yung sabi ko nun.






"Yes, my jowa! Tawag mo ko?"





Napabalikwas ako ng bangon sa kama sa gulat. Tumambad sa harap ko yung lalakeng babaeng naghahanap saakin kanina pero this time eh naka-simpleng black na T-shirt nalang ito at maiksing maong na shorts at kulay pink na ngayon ang buhok niya.





Napamaang ako habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba.




Tumingin siya saakin at ngumiti. May kung anong familiarity akong naramdaman pero wala pa din akong maalala kung sino siya.







"Wag kang lalapit!!! Wag. Kang. Lalapit."






Pagbabanta ko nung nagsimula siyang maglakad papalapit sa kama. Agad akong umusog papunta sa kabilang side at tumayo mula sa kama habang dahan dahang naglalakad papalapit sa pintuan habang hindi ko inaalis ang tingin ko sakaniya.








PlaylistWhere stories live. Discover now