Kung tutuusin nga kabaliktaran lahat eh. Napabuntong hininga ako tuwing maaalala ko kung gaano ako kagago noon.

At sa ganung estado niya ako nakilala.

Flashback....

Nakatayo ako sa harap ng warehouse kung saan naka-safekeep yung iba't ibang klase ng droga na nanggagaling pa mula sa iba't ibang bansa. Darating ngayon ang pinakamalaki naming shipment mula sa China.

"Boss, kaya na namin 'to. Tatawagan nalang kita mamaya, mahirap na."

Sabi saakin ni Jhong. May sukbit siyang M16 habang humihithit ng sigarilyo. Nagsindi ako ng sigarilyo at humitit muna bago nagsalita.

"Tapos papalpak nanaman kayo? Wag na. Isa pa, ano na bang update? Kanina pa tayo dito."

Inis na sabi ko bago ulit humithit ng usok mula sa sigarilyong hawak ko. Pinitik ni Jhong yung upos ng sigarilyo bago kinuha ang isang basic phone mula sa bulsa niya at may tinawagan.

Pumasok ako sa loob ng warehouse pero kakapasok ko palang ay umalingawngaw na ang sunod sunod na putok ng baril na nagpatakbo saakin papasok ng maliit na opisina ko.

"Fuck!"

Mura ko nung marinig ang ingay ng siren ng mga pulis. Nilibot ko ng tingin yung kwarto para maghanap ng daan palabas. Sinubukan kong buksan yung sliding door pero hindi ko yung mabuksan kaya binasag ko nalang yun gamit ang isang kahoy na upuan.

Wala na akong pakialam kung masugat ako sa mga bubug ng basag na salamin basta makalabas lang ako. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang hindi ko namamalayan na nasa highway na pala ako. Patawid na ako ng kalsada nung marinig ko yung busina ng paparating na kotse kasunod ng pagkasilaw ko sa ilaw ng headlight nito.




Wala na akong maalala pagkatapos nun pero nagising ako sa loob ng hospital room kung habang nakatingin saakin ang mga magulang ko at ang isanh hindi ko kilalang babae. Lumapit kaagad saakin si papa. Alam kong galit siya dahil pulang pula ang buong mukha niya.




"How many times do I have to save your ass! Kahihiyan ka ng pamilyang to! Drugs!? Really!"

Nanggigigil na sabi niya saakin. Napatiim bagang nalang ako. He is right. Wala na akong binigay sakanila kundi disappointments. Hindi na ako sumagot.




"Attorney. Please help this stupid son of mine. Dahil kahit ayoko, anak ko pa rin ito. Ikakasira ko din to. I can't lose this campaign."

Sabi niya sabay harap dun sa babaeng nakatayo sa tabi ni mama na kanina pa umiiyak. Napalunok ako. Ayoko talagang nakikitang umiiyak si mama pero palagi ko siyang napapaiyak.




Lumapit saakin yung lawyer at for the first time mula kanina ay natitigan ko ng maayos yung mukha niya. Natulala ako.





"Hi, I'm Jackie Gonzaga. Your new family lawyer."



Sabi niya. Nagpabalik balik ako ng tingin sa kamay niya at sa maganda niyang mukha parang tanga na hindi alam ang gagawin.





"V-Vice."


Sawakas ay gumana yung utak ko na parang nag-hang ng kaunti. Tsaka ko inabot at kinamayan yung malambot at maganda niyang mga kamay.





It started there.

Her knowing all my secrets. Dark and filthy secrets.





She helped me find my way back into life.

That's not all, she taught me what unconditional love felt like.

PlaylistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora