Tahimik na nagtuturo si Sir Filimon Choi isang History Teacher ng...
"Miss Dalaga! Aba't sinong may sabi sayong matulog ka na naman sa klase ko ha?" malakas na sigaw nito.
"So-sorry Sir. Nakakaantok kasi klase mo eh." mahinang sagot nito, buti na lamang hindi narinig ang kanyang huling sinabi.
"Ano ka ba! marinig ka!" bulong ng kaibigan kong si Loisa na aking katabi.
"Tumayo ka at lumabas dahil nakakaabala yang paghilik mo. Kababae mong tao, ang lakas ng hilik mo. Hala sige! Matulog ka sa labas at huwag sa klase ko!"
galit na sigaw nito kasabay ng malakas na tawanan ng mga kaklase nito.
"Se-serrr..? Sorry po." tila nahihiyang sagot nito.
"Scholar ka pa man din ng paaralang to! Hahaha. Sabagay kahit hindi ka nakikinig sa klase ko eh, himalang nakakasagot ka."
nakakainsultong sabi nito kasabay ng paglakad lakad sa harapan.
"Tingnan natin kung masagot mo pa tanong ko.Kapag nasagot mo, tsaka ko pag-iisipan kung palalabasin kita o hindi!" tila nanghahamong sabi nito."Tingnan natin kung hanggang saan ang swerte mo" dagdag pa nito.
"Stannnaaaaap!"
"Ano ang buong pangalan ni Dr.Jose Rizal?"
"Dr.Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda" mabilis na sagot nito.
"Saan pingangangak?"
"Calamba, Laguna"
"Kailan?"
"Alin Ser?"
"Ipinanganak." nakataas ang kilay na sagot nito.
"June 19, 1861"
"Ama't ina?"
"Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo y Quintos"
"Tingnan mo nga naman oh. Ilan ang naging kasintahan nya?"
"S-siyam Serrr"
"Maleeeeeee!"
"Sampu."
"Maleeeeeeeeeee! Isa pang mali mo, lalabas kana Miss Dalaga!"
"Si Serr parang binibiro lang eh. Labing-dalawa talaga sila Ser, diba matinik!. Hahaha" biro pa nito, ngunit hindi ikinatuwa ng guro.
"Stuuuuuut Uppppp! Panghuling tanong, sino sa naging kasintahan ni Rizal na ginawa niyang inspirasyon sa pagganap bilang Maria Claria mula sa akda niyang Noli me Tangere at El Filibusterismo?" nakangising tanong nito habang nakatitig sa mata ng dalaga.
"Si Orang" maikling sagot nito sabay upo.
"Anonggg-- walang naging kasintahan si Rizal na Orang ang pangalan! galit na sigaw nito.
"Nakakasiguro kaba Ser? Hindi naman kasi pangalan ang 'Orang' palayaw ni Leonor Rivera. direktang sabi nito sabat upo.
"Sa susunod na matulog ka sa klase ko, droup out agad agad." seryosong nakangising sabi nito at nagpaalam sa klase.
"Sige Class Dismiss."
"Woooooah! Pano mo nalaman yon ha? ituturo palang bukas yon eh."
"Oh? Si Rizal?" balik na tanong nito, at pagtango naman ng kaibigan.
"Hahahaha. Kanina, mag'advance review daw about kay Rizal kasi may advance quiz bukas sabi ni Ser" pagpapaliwanag nito.
"Ah. Stock knowledge. Tsaka naturo naman na yun diba, pero nag'advance reading na din ako sa kanya, alam mo na. Inaantok ako pag nagkaklase na yun. Hahahahaha." natatawang sagot nito.
"Loko. Pero humihilik ka talaga. Hahahahaha. Kakahiya ka, nakailang gising ako sayo. Bakit ba puyat ka na naman? Wag mo sabihing yung insomia mo inatake ka na naman" seryosong ani nito.
"Tsk! nakaka'antok lang talaga klase niya." sagot nito.
Lunchbreakkkkk!
"Woy Lei! Tara na, di ka pa ba kakain?" aya sa kaibigan.
"Hindi ako gutom, Loi! punta muna ko sa tambayan. Sumasakit ulo ko, siguro dahil sa insomia." sabi at sabay kuha ng gamit nito.
"S-sige. Ingat!"
Habang naglalakad sa hall. Siksikan, maingay dahil maraming estudyante ang nagkalat. Marahil lunchbreak na din ng mga ito. Ngunit kumuha ng atensyon ni Lei ang nahulog na piso? Oo piso. Nang akma nyang pupulutin ay hindi inaasahang magkauntugan sila ng may ari ng piso.
Dahil sa sakit hindi magawang idilat ni Lei ang kanyang mata, nanatiling nakahawak sa ulong tinamaan.
"So-sorry Miss. Sorry talaga" sinserong sabi nito kasabay ng pagalalay sa dalaga.
"Huwag mo akong salingin" sigaw ni Lei ng maramdaman nya ang kamay nito. Nanatiling nakayukong hinihimas ang ulong tinamaan.
"O-ok. Sige. Hehehe. Sorry ulit."
gulat na sagot nito, ngunit agad namang natauhan sa nangyari. Nagmadaling umalis na lamang ito.
"Aba't! Woy yung piso mo! Hahaha." gulat na sigaw ni Lei ng makitang umalis ang may ari ng piso.
Nagpatuloy na lamang si Lei sa paglalakad patungo sa kanilang tambayan, na kung saan matatagpuan sa likod ng kanilang paaralan. May isang puno ng Akasya roon, na nagsisilbing lilim sa init ng araw. Pagdating ni Lei ay agad siyang nahiga sa damuhan upang doon matulog.
