Prologue

848 11 0
                                    

Ganap na ika-7 ng gabi. Napakalamig ng klima noong mga panahong iyon. Halos tahimik ang buong paligid. Binaybay ng isang babaeng may kulay pulang buhok ang bubungan ng isang tagong pabrika na tila ba may minamanmanan ito mula sa ito.

Tila hindi siya naging komporatble sa usok n lumalabas sa lugar. Nairita bigla ang dalaga ng napansin niyang nasira ang takong ng kanyang bagong biling heels habang muntikan pa itong matapilok diretso sa basurahan sa harapan niya.

“Urrrgh! It cost me $17.95! F*ck*ng day it is indeed.” ika niya habang masusing nagmamatyag sa lugar. Tinapon lamang niya ito’t natsinelas na lang.

Inobserbahan niya ang buong paligid mula sa kanyang PDA at tila malinis naman ang paligid sa kahit anu mang panganib.

Isa umano iyong tagong lunga ng mga gumagawa ng mga pinagbabawal na droga sa lugar na iyon. Ilang araw na niya itong minamanmanan at ngayon lamang siya nakatempo dahil na rin higpit ng seguridad rito noong mga nakalipas na araw.

“Rule no. 342- a way to a perfect stealth is reassuring the environment itself.” Ika ng kanyang isipan na tila ba may nagsasabi nito sa kanya mula sa pang-loob. Pinakaramdaman pa niya ang paligid bago siya sumuong paibaba at dumiretso sa isang napakalaking bodega na pinaghihinalaang kuta ng mga taong sadya niya.

“This is Windwalker, Im going in.” ika ng dalaga sa isang lapel na nasa gawing kwelyo ng jacket niya at mausisang binaybay ang kanyang daan papuntang pintuan ng nasabing bodegang iyon.

Nang may mga taong kahina-hinalang lumabas mula sa loob, napagalaman niyang mga tauhan pala nito ng kanyang target na si Mr. Honda. Hindi siya nagatubuling humugot ng mga maliit na kutsilyong gawa sa bubog at walang pakundangang initsa ito direkta sa mga taong palabas ng lugar na iyon. Tumama itong lahat sa kanilang mga leeg at dumanak ng dugo sa buong lugar.

Tinignan niya kung may natira pang mga buhay sa mga ito mula sa pulso ng kanilang mga kamay. Nang malamang patay na ang mga ito, dali-dali siyang pumasok sa pinto at nakita na nga niya ang kanyang pakay.

Tila napaghandaan na ang kanyang pagdating sa loob at direktang nakatuon na sa kanya ang mga armas ng mga kasamahan ni Mr. Honda.

Lumabas si Mr. Honda mula sa dilim at nagawa pang pumalakpak. Hindi nito napansin na sa isang iglap, tumilapon siya na may nakatusok na kutsilyong bubog mula sa kanyang bunganga at isa-isa ng nagputukan ang mga tauhan niya. Mabilis na naka-ilag at nakabawi ang dalaga at nagawa pa niyang unahan ang mga ito.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon