Kakilala, kaibigan, sandalan sa tuwing nasasaktan, mapag kakatiwalaan sa mga sekretong gusto itago, kabarkada, TROPA.
Yung taong palaging nandyan kapag ako ay nangagailangan at gustong may makausap. Laging sumusuporta at nag papalakas ng aking loob sa tuwing ramdam kong wala nang pag asa.
Yung taong laging kong kaasaran, kabiruan, kasama kong gagawa ng mga kapalpakan at kalokohan,
Taong nagbibigay saya at ligaya sa aking araw kahit sa munti nilang ginagawa.
Pero ang tanong, handa na ba akong harapin ang mga bagay na alam kong unti unting darating?
Sa araw araw na kasama sila, SIYA
May bigla nalang maramdaman na para bang kiliti sa mumunting puso.
Akala ko, sa una palang, ay wala lang ito, nararamdamam lang ito dahil masaya ako. Pero bakit sa pagdaan ng mga araw ay para bang naiilang na akong tumitig sa kanyang mga mata?
Ramdam ko ang lamig ng aking kamay at sa tuwing nahawakan niya ako ay para bang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,
Gusto kong maliwanagan, kaya lumayo muna ako sa kanya at ginawa ko ang lahat maiwasan lang siya.
Sa nag daang mga araw ng aking paglayo, ramdam ko ang pangungulila. Napagtanto ko sa aking sarili, na sa una ay ayaw kong tanggapin,
Mahal na pala kita at malabo nang akin pang mabura.
Gusto kong aminin yon sayo, pero Takot Ako.
Takot ako na baka iiwasan mo ako,
Takot ako na baka hindi mo ako maiintindihan,
Takot ako na baka aakalain mong sinamantala ko ang ating pagkakaibigan.
PINANGUNAHAN AKO NG TAKOT.
Gusto kong sabihin sayo lahat ng nilalaman ng aking puso, pero nandyan si Takot at Kaba upang pigilan ako. Gusto kong isigaw ang pangalan mo kasama ang mga katagang 'gusto at mahal na kita' pero para akong napipi dahil walang lalabas na kataga sa tuwing kaharap Ka.
Ngunit dumating ang araw na naging pursigido na ako,
Aaminin ko na kung ano ang nararamdaman para sayo.
Hinanap kita at natagpuan ka sa silid niyo kasama ang isang babaeng naging malapit din sa akin.
Lalapit na sana ako nang may bigla kang binanggit sa kanya.
Para akong nabuhusan ng isang baldeng yelo,
Ang mga katagang sinabi mo sa kanya ay ang nga katagang gusto kong sabihin sayo,
Mga katagang sana ay aaminin ko.
Ngunit huli na ang lahat,
May mahal ka nang iba at naamin mo na sa kanya,
Masakit, OO, pero ano pang magagawa ko?
Wala ako sa posisyon para diktahan ka,
Kasi Tropa lang ako at kaibigan kita.
Natutunan ko kung paano masaktan ng ganito,
Na ramdam mo hanggang buto, at tagos sa puso.
Tumakbo ako palayo sayo dahil ayokong makita mong malungkot ako,
Umalis ako sa tabi mo at ipinapakita na masaya ako,
Tinanggap ko ang lahat pero DYAHE tong puso ko din marunong makisama,
Sa tuwing nakikita ko kayong dalawa na magkasama at masaya,
Napapangiti nalang ako at iniisip na
'huli na ako. Sana pala ay di ko hinayaan ang takot at kaba'
Pero Wala akong pinagsisihan at hinayaan kong tanggapin ang lahat,
Alam Kong di kami ang tinadhana sa ngayon, dahil ang tadhana ang nakakaalam kong sino ang para sa kin.
Kaya kaibigan, Ka Tropa,
Sana masaya kana,
Hahayaan na kita,
Wag kang mag alala,
Tanggap ko na,
Bahala na si tadhana,
Nandito lang ako pag nangangailangan ka,
Suportado kita.
Kahit masakit tatanggapin,
Basta para sayo mag papakatatag ako.
*Chooooss haha*
Kaya sa mga na inlove sa Tropa nila dyan, wag kayong pangunahan ng takot dahil Wala namang masama kong aamin ka diba? Kung I rereject ka, Ayos lang kasi si tadhana ang gagawa ng paraan para magkatuluyan kayo (kaya gawin mong kakuntsabo si tadhana haha)
CZYTASZ
SPOKEN WORDS POETRY
LosoweSpoken words poetry para sa mga nagmahal, sa mga nasaktan, at kung ano ano pa. WELCOME SA MUNDO KO...
