Pain ( spoken word Poetry )

22 1 0
                                        


Bakit sa lahat ng babaing nakilala mo,
Ako pa ang pinagtripan mo?
Bakit sa lahat ng lalaki sa mundo ikaw pa ang minahal ko?

Sakit  lang ang ipinadama mo
Walang saysay ang mga bulaklak mong mga salita, kung ang kapalit lang naman non ay pighati at pangungulila.

Sana dama mo rin ang aking nadarama, para sa gayon maiintindihan ko pa ang ginawa mong pagiwan saking gago ka.

Maraming araw, beses na gusto ng limutin ka, pero bakit ganon ayaw pa ng puso ko sinta. Sana dumating ang araw na wala na talaga, wala ng sakit at panghihinayang.

Sayang ang segundo, minuto, oras buwan, taon na kasama ka, sayang ang mga araw na pinaramdam kong mahal kita dahil ang kaakibat ng sakripisyong ginawa ko ay sakit na pinamalas mo mahal ko...

Tama na, Sapat na,
Ang sakit sakit na parang binibiyak ang puso kong makita ka na may kasamang iba.

Ang saya saya mo, ang halakhak sa labi moy parang musika kapag kasama siya. Napagtanto kong hindi ko pa nakita ang ganyang kagandang ngiti mo kapag kasama kita.

Matitiis ba kita? Matitiis ba kitang kasama ko nga pero iba naman ang laman ng pusot isip mong gago ka!
Kaya tama na, sapat na ang mga oras na naramdam kung ako pa!!! Na ako pa sa mga panahong tayoy masaya...

Salamat sayo, salamat sa lahat ng karanasan naiipamalas mo, kaya hanggang dito na lang sinta ko....
Malaya ka na mahal ko......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Pain (Spoken word poetry) Stories to obsess over. Discover now