0

4 1 0
                                        

0



Naranasan mo na bang mahulog sa isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? Kasi kung ako ang tatanungin, oo, naranasan ko na- mali, kasalukuyan ko pa lang nararanasan.

Hindi ko nga alam kung bakit ganito. Bakit kailangan ko pang mahulog sa isang taong wala namang pake sa nararamdaman ko?

Wala naman akong ibang hinangad kundi ang panghabang-buhay kong kaligayahan, ngunit bakit salungat ang nangyayari?

Kaya ko ba talagang mahalin ang isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? O mas kakayanin ko na lang pigilan ang pag-ibig ko sa kanya?

Napakarami kong tulang isinusulat para sa kanya. Hindi ko kasi masabi ng harapan ang nararamdaman ko sa kanya. Napakahirap nga talaga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot, ang pigilan ba o ang ipagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Novel Of My Mind Stories to obsess over. Discover now