CHAPTER 6- ILLUSION

100 1 0
                                        

“Keih, anong oras ba pasok mo?” boses ni mama.

Pasok? hindi ba sabado ngayon? Anong oras na ba?

Napatingin ako bigla sa orasan. Napatayo agad ako ng kama ng makita ko kung anong oras na.

“Anak ng tokwa! 9:00 na!! late na ko sa first subject ko.” sigaw ko.

Nagmadali ako ng kilos. Hindi ko pa nga ata nasusuklay yung buhok ko.

Haayy. bahala na yan. Late na ko eh.

“Ma alis na ko.” paalam ko kay mama.

Takbo lakad yung ginawa ko palabas ng subdi namin. Mabilis naman akong nakasakay, at buti nalang walang traffic at nakarating agad ako ng school.

Sa may entrance nakita ko si Ethan. Napangiti ako.

Hindi lang pala ako yung late.May kasabay na ko”bulong ko sa sarili ko.

Lalapit na sana ako sa kanya nang nakita kong lumapit yung babaeng kasama nya nung isang gabi.

“Umagang umaga, landian ng landian.”  nasabi ko sa sarili ko.naglakad nalang ako ng mabilis. Hindi na ko sasabay sa kanya.

Dere derecho lang ako pumasok ng room.  Nakalimutan kong batiin yung prof sa sobrang inis ko.

“Ms. Briones, is there something wrong? Bakit nakasimangot ka?” usisa ng prof namin.

Nakasimangot? Ako? Teka..

Saka ko lang napansin na nakasimangot nga ako. Inayos ko yung mukha ko tapos ngumiti. “Wala po Maam, by the way, Sorry I’m late.”

Tumango nalang yung Prof namin. After nung class dumating din si Ethan.

Napatingin ako sa kanya sakto namang napatingin din sya sakin tapos biglang umiwas ng tingin.

WHAT THE F?!! WHAT DID I DO WRONG?!

Nilapitan ko sya. “Ethan..”

Tumingin sya sakin na parang seryoso. Hindi ko gusto aura nya ngayon.

“Bakit? may kailangan ka?” tanong nya, seryoso pa din yung mukha nya.

“Ah .. wala, wala..” sagot ko. Mukhang badtrip sya na ewan.

Tumingin lang sya sakin tapos umalis na.

ANAK NG.. ANO BANG PROBLEMA NUN?! PARANG KAHAPON OKAY NAMAN SYA. TAPOS NGAYON.. WOW.. PAKITANG TAO NGA..

Hindi sya pumasok sa mga sumunod naming subject. Hindi ko na rin sya nakita sa school buong maghapon.

Wala kong pakialam. Malaki na sya, bahala sya kung gusto nyang sirain buhay nya at makipag landian nalang buong araw.

“What the hell is happening to me?! Sht.” bulong ko. Nagsasalita na naman akong mag isa.

Umuwi agad ako ng bahay. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Parang gusto ko kumain ng WAFFLE.

Next thing I knew is I’m off to the store that sells delicious waffle.

I don’t know why, pero I’m graving for waffle ngayon. (Conyo lang? haha)

“Yes, Maam?”

“10 waffles, please.. Very blueberry flavor.”

“Maam, sorry.. ubos na po yung waffles namin”

“Lahat?! kahit anong flavor?”

Tumango yung babae. This can’t be. bakit naman ngayon pa kung kelan gusto ko kumain.

“Magsara na nga sila. Kainis naman.” sabi ko pagkalabas ko ng store.

Sa inis ko, pinagsisipa ko yung bato sa harapan ko.

“Ouch.. masakit yun ha!” sigaw nung nasa unahan ko.

Napatakip ako ng bibig. Napalakas ata yung sipa ko. Natamaan ko sya.

Hihingi na sana ko ng sorry nang biglang syang lumingon.

“BFF?!” sabay naming sabi.

Niyakap ko sya bigla. “Bff, sorry. badtrip lang. masakit ba?” sabi ko habang tinitignan yung binti nya.

“Medyo. ikaw lang pala yun. bakit ba kasi sinisipa mo yung kawawang bato?”

“Ehh kasi.. naubusan ako ng waffle. Gusto ko pa naman kumain ngayon.”

“Sus, kahit kelan takaw mo talaga.”

“Teka bhest, bakit hindi na kita nakikita sa school?”

Biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha ni Lily.

 May mali ba kong nasabi?

“Tara, hang out muna tayo bhest. Gusto mo mag kape muna tayo?”

Tumango nalang ako. Mukhang may pag uusapan kami.

May problema kaya si Lily?

Walktrip ang ginawa naming dalawa. Naglakad kami hanggang makarating dun sa bagong coffee shop. Medyo malapit na rin sa school.

Umupo agad kaming dalawa ni Lily.

“Ako na oorder. ano sayo?” tanong nya sakin.

“Kahit ano, ikaw bahala.. pero may hot choco ba sila? yun nalang sakin.” medyo pabiro ko kay Lily.

Ngumiti naman sya. “Kahit kelan ka talaga.”  sabi nya.

Habang hinahantay yung order namin, nag simula na kaming magkwentuhan.

“I think, I’ll be gone for just few weeks. Pero babalik din ako.” simula nya.

Bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Few weeks? Matagal din yun ha. Malulungkot ako, si Lily lang naman ang bestfriend ko sa school.

“Hindi ko na tatanungin kung bakit pero, Ingat ka ha. Don’t be vanished for so long, okay?”

“Yes, maam” biro nya, tapos natawa na kaming pareho.

Naputol tawa ko nung makita kong pumasok ng shop si Ethan.

Ano kayang ginagawa ng bwisit na yan dito?!

Parang nagulat sya nung nakita kami. Hindi, ako lang pala, as if namang kilala nya si Lily.

“Mae? is that you?”  “Ethan?” sabay pa kami.

Teka..Mae? Lily Mae.. kilala nya si Lily?! And I think they were so close, kasi Mae ang tawag nya.

“Magkakilala kayo?” sabay din naming sabi ni Lily.

“I guess she’s my classmate. But I  forgot her name.” sabi ni Ethan.

August 27,

Dear Diary,

Bakit ganun si Ethan? ayos naman kami nung nakaraan, pero biglang ganun sya. Nanaginip lang ba ko nung nakaraang araw? yea, right. It was just a dream.. a really  bad dream. What happened the previous day was just an illusion. Ang galing talaga umarte ng bwisit na lalaking yun! Grabe.. nakalimutan daw nya pangalan ko? How dare him. Damn him to hell. Pare parehas lang talaga sila. Papatawarin kita Zack Ethan Flores. Hindi mo kasi alam ginagawa mo. I’ll forgive you after I take my revenge on you.

-KB

My Best Friend's DiaryWhere stories live. Discover now