Creepy Piso Net Shop

1.4K 15 1
                                        

CreepyPisoHop
Hi spookify. Im an avid fan ng page niyo.This is not my real account.Gusto ko lang sana i share ang story kong nakakatakot nung pasko.

Di ko talaga makakalimutan , mag aalas 7:00pm , pumunta ako sa isang PisoNetShop isang dos andanas na bahay na ginawang pisonet shop kasi ito ay pagmamay ari ng isang pamilya na nakadestino sa Ibang Bansa, ang caretaker naman ng bahay ay minsan lang umuuwi .Ang bahay ay 3 parte, una sa labas which may 6 units, tapos sa loob 6 rin , at sa taas may 4 na unit . So kadalasan talaga puno yung sa labas at loob ng pisonet, pero yung sa taas wala talagang naglalaro dun, kasi madilim at bigla-biglang magshu-shutdown yung unit tapos mag o-on then mag peplay ng music sa Youtube, GLOOMY SUNDAY parati ang piniplay na song ( a hungarian suicide song) . pano ko nalaman? May isa kasing taong sumubok na maglaro sa taas, simula pa kasi nung mag open ang PisoShop, wala talagang sumubok maglaro sa taas dahil may kumakalabog kahit umaga, tapos minsan may sumisigaw, pero wala namang tao.

So sabi niya nainip siya kaya naglaro siya sa taas, nung una okay pa naman daw, pero nung tumagal na, parang di na siya mapakali dahil parati daw nag new-new tab ang chrome tapos lumalabas yung Youtube, dinidelete naman niya agad ang tab, tapos back to Facebook, same thing parin, nag new newtab at youtube na website ang lumalabas, idedelete niya sana ang tab pero agad nagpop out yung isang song na Gloomy Sunday, sa curiosity niya pinlay niya yung song, una parang walang lumabas na daw na music puro humming, ngunit nung nagsimula na daw kumanta, iba daw ang pagkabiglas at tono ng pagkakanta. Parang lumalaki ang boses at nag bobold na yung tono ng pagkakanta niya, lalabas na sana siya nung bigla daw nagsira yung pintuan (by the way yung pintuan sa taas nakakandado para parating open) nagsiliparan yung mga upuan, umiyak daw siya nung umiyak, pinikit niya ang mga mata niya, hanggang sa natapos ang music , bumukas yung pinto agad siya lumabas.

At that time nandun ako sa loob naglalaro, kita kita ko ang pagkaputla niya at yung mga luha niya, nanginginig siya. Agad niyang sinabi na may multo sa taas, nagsisigaw daw siya at umiiyak , kami naman parang natatawa na ewan, wala naman kasi kaming nadinig na nagsisigaw siya akala din namin na walang tao sa taas.

Di lang siya ang may karanasan, marami pa, yung iba, di pa daw sila nakaka upo, nagpeplay na yung unit nila, kahit di naman nila hinulogan ng barya, ang iba naman nabibigla pag ilolog out nila yung unit, biglang nag iiba ang background , yung parang anino daw na may dugo na nakapalibot sa kanya.

Sa aking naranasan, 7:00 papunta ako ng pisoshop, pero puno dahil desperas ng pasko, Almost 2 hours na akong naghihintay para makapaglaro , hanggang sa may dumating na manlalaro rin ( uso kasi ang Dota sa min) , yung sa baba na naglalaro nag aya ng Game Match Team, Pustahan kasi ,nag aayaan na maglaro pero walang bakante, sayang naman yung pustahan kaya nagdesisyon kami sa taas maglaro kahit nakakatakot.

Pagkapasok namin ang dilim talaga, so i use my phone to access light, tapos nagsi upuan na kami, nagstart na ang mga unit, through facebook kami nagcocommunicate para sa game.

Nagstart na ang game namin, tahimik kami na naglalaro, yung isa namin na kalaro ay binasag yung katahimikan, may sinabi siya about sa game, yun lang.

After 20 mins of playing, biglang nag shutdown yung unit namin, as in sabay, yun na nakaramdam na kami ng takot, lowbat na rin phone ko kahit fullycharge yun, unahan kami sa paglabas ngunit nakasarado yung pinto, nagsisigawan na kami na , ako umiiyak na sa takot ( LALAKE KAMI LAHAT PERO TAKOT)

We were stunned nang nagstart again yung unit namin, at mas nakakagulat pa nag mo move yung mouse, nang mag isa, accessing the chrome at lumabas yung Youtube . agad nagplay yung music na GLOOMY SUNDAY, at para kaming mabaliw sa kakasigaw at iyak dahil yung tunog at pagkakanta para talagang demonyo, yung mga upuan , nagsiliparan na kahit saan, kami naman napaupo at sobrang umiiyak to the point na nagkakasipon nakami, i close my eyes and pray, almost 4 mins kaming umiiyak, then the unit shuts itself, i open my eyes and the door is open, unahan kami sa pagbaba.

Yung mga tao sa baba ay napatingin lang samin, natatawa bakit daw namumutla kami at nangingiyak sa hikbi, yung kasamahan ko di makapagsalita, umiiyak sila, nilakasan ko ang loob ko at nagtanong sa kanila kung may narinig ba sila sa taas na sigaw at iyak, pati mga kalabog, pero mas natakot ako dahil sabi nila wala naman daw, puro hiyaw lang daw galing samin kasi panalo daw kami sa game.

-Dvo,17

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now