"Mano, Mama..." mahina kong sabi at nakagat ang pang-ibabang labi lalo na't nabasa ko agad sa kanyang tingin ang pasalubong niyang sermon saakin.

"Hindi mo ako pinuntahan sa bayan. 'Di ba ang sabi ko pagkatapos ng klase mo ay humabol ka roon?" Mariin niya akong tiningnan. Si Kuya naman ay sinesenyasan pa akong pumasok nalang sa kwarto.

"May ginawa kasi iyang mga projects Ma kaya hindi kana napuntahan roon," palusot ni Kuya.

Tumango agad ako, dala na rin ng takot na mas masermonan lalo.

"Anong projects? Baka lumakwatsa lamang ito at pinagtatakpan mo na naman!" si Mama na mariin ang titig kay Kuya.

Tumawa si Kuya at nagtungo sa kanyang dako. Hinilot niya ang ulo nito.

"Ikaw Ma... Magpahinga kana. Ipagpabukas mo nalang ang panenermon kay Tracy," malambing niyang sabi at pasimple pa akong sinenyasan na siya na ang bahala kay Mama.

Palihim akong ngumiti lalo na at humihinahon na si Mama. Naantala ang kanyang panenermon sa akin ng gabing iyon. Ako agad ang naghugas ng aming pinagkainan para at naglihis ng bahay bago matulog. Noong humiga ako ay ang mga mata agad ni Israel ang pumasok sa aking utak.

Napakamisteryoso talaga ng mga matang iyon. Hindi ko alam kung ba't sa dinami-dami ng mga matang nakikita ko araw-araw... Iyong kanya ang pinakakakaiba at pinakamadilim. Palagi iyong misteryoso... Iyong pag tinitigan mo siya, sa sobrang lalim ng kanyang titig ay hindi mo alam kung may dulo pa ba iyon.

"Anong nangyari sa'yo kahapon, Trace?" natatawang tanong ni Rose sa akin kinabukasan pagdating ko sa classroom.

Hinubad ko ang suot na maliit na bag saka rin hinubad ang suot kong jacket. Pinaghihila naman nila ang kanilang mga silya papalapit sa akin.

"Nahuli niya ako," nakasimangot nilang sabi na mas ikinatawa nila.

"Oo alam namin dahil hindi kana nakahabol sa pagtakbo naming tatlo kahapon," natatawang sabi ni Cecille at hinampas pa ang desk ng aking upuan.

"Anong ginawa sa'yo?" si Rinka.

"Masakit ba?" malisyosang tanong ni Cecille at malawak ang ngisi.

"Sinipa ko siya para makatakas," kuwento ko nang wala silang isiping iba.

"Paanong sipa? Grabe ka naman! Sa hinhin mong 'yan mapanakit ka!" natatawang si Rinka.

"Sa ano niya..."

Namilog ang mga mata nila at mukhang nagkaideya agad.

"Trace naman! Paano kung kami ang nagkatuluyan edi nabaog iyon! Hindi kami makakabuo!" Lumukot ang ekspresyon ni Rinka.

Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naunahan rin agad ako ng boses ni Rose.

"Galit na galit siguro 'yon," si Rose natatawa.

"Pinagbibintangan niya kayong magnanakaw ng mga mangga. Na kasali raw ako," patuloy ko sa aking kuwento.

"Bulok kamo! Ikakasakit pa ba ng damdamin niya 'yon kung mga pinupulot namin bulok naman!" si Rinka na umismid.

"At pasalamat siya na mga mangga nilang bulok ang kinukuha namin at hindi siya!" si Cecille.

"Ang damot ni Israel ha. Akala ko fake news na hindi madadamot ang mayayaman..." Angat ng kilay ni Rose.

"Baka naman kasi may ibang nagnanakaw sa mga mangga nila at napagbintangan lang kayo?" sabi ko lalo na't parang tumatak din sa isip ko na ayaw maniwala ni Israel doon.

"Pinagtatanggol ni Tracy. Nakatikim 'to ng ibang panungkit." Tinuro ni Cecille ang mukha ko at naghagalpakan sila.

Kahit dumating na ang guro, bumubungisngis pa rin sila sa likuran dahil nahuli ako.

"Ang kisig kisig... Ang guwapo guwapo! At ang tigas tigas..." narinig kong sabi ni Rinka sa mahinang boses.

"Pinagpala talaga ang lalakeng iyon... Nasa kanya na ang lahat..." si Rose naman.

"Swerte ng magiging girlfriend," si Cecille.

Ang swerte nga. Sino kaya ang girlfriend niya ngayon rito sa bayan? Alam ko namang madali lang sa kanya ang pumili ng babae. Iyong mga kaibigan ko nga ay handa ng ialay ang kanilang sarili kay Israel... Lahat ng mga babae rito ay hibang sa kanya.

"Tracy sa Sabado sama ka sa amin, maliligo kami sa batis!" anyaya sa akin ni Rose pagkatapos ng klase sa hapong iyon.

"Huh? Anong gagawin sa batis?" Baka nandoon si Israel?

"Syempre maliligo! Kakasabi lang! Ano bang iniisip mo?" Tumawa si Cecille sa akin habang nililigpit ang kanyang gamit.

"Siguro gusto mong makita ulit si Israel, 'no?" Ngumisi si Rinka sa akin na suot nagsusuot na rin ng kanyang bag.

Umiling agad ako. "Hindi ah. Di kaya ako marupok."

"Asus! Hindi talaga?! Kahit maghubad si Israel sa harapan mo hindi talaga?!"

Umiling ako sa tanong ni Cecille. Tumatawa na naman sila.

"Imposibleng hindi mo rin iyon gusto, Trace... Ang hot at ang guwapo pa! Crush kaya siya ng lahat ng babae rito!" tili ni Rose.

Oo gusto ko pero iyong klase ng atraksyon na hindi ko binibigyan ng kulay dahil alam kong sa dami ng nagkakagusto sa kanya, magmumukha akong anino sa dilim na kailanman, hindi niya makikita.

"Pupuntahan ka namin sa Sabado, Trace... Sama ka ha," si Cecille.

Hindi palang ako nakakatango ay nagpaalam rin ang tatlo na uuwi na. Napabuntong ako ng hininga at hindi na naman makatanggi. Maganda rin naman kasi ang tagong batis na iyon... Masarap liguan...

Lumabas rin ako ng classroom. Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasabay ko pa ang mga grupo ni Ate Rici. May topic rin sila na kung ano habang pumapaibabaw naman ang mahinhing tawa ni Ate Rici. Bumagal ang aking paglalakad at gusto nalang silang paunahin.

Doon ako pumwesto sa kanilang likuran. Tinitigan ko ang imahe ni Ate Rici. Fit ang suot niyang blusa at nahuhubog ang maliit niyang baywang. Ang palda ay hanggang tuhod rin pero nakikita ang makinis niyang mahahabang hita. Nalunod ako sa kakatitig sa kanya kaya hindi ko na napansin noong tumigil siya. Nabangga agad ako sa kanyang likuran.

"Hoy! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Mas itinulak ako palayo noong isa sa mga kaibigan niya. Ang dalawa naman ay matalim narin ang tingin sa akin.

"Okay lang, Gena. Kasalanan ko kasi huminto ako," awat ni Ate Rici sa kanila saka ako binalingan.

Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ang aking ekspresyon. Yumuko ako.

"S-Sorry..." Hindi ko na ito tiningnan pa sa mga mata at mabilis na umalis sa kanilang harapan.

"'Di ba kapatid iyon noong guwapong si Bram?" narinig kong tanong noong isa sa mga kaibigan nila.

"Ah iyong nakatira sa parteng bundok. Sayang guwapo sana..." Isa iyon sa kaibigan niya.

Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad para hindi ko marinig ang kanilang mga boses. Palabas na sana ako nang mapansin ko rin ang imahe ng lalakeng nagpalaki ng aking mga mata.

When I said that Israel is the perfect description of a bad boy looking, to see him in his well-ironed uniform while scowling at the gate, as if he was waiting for someone, made me stop.

His hair was still styled in a man bun like what I'd seen yesterday. Nakahalukipkip siya roon, magkasalubong ang kilay, at sa galit na suot, mukhang alam ko na agad kung bakit.

Napalingon ito sa akin at nalaglag pa ang iilang hibla na tumakas sa kumpol ng kanyang buhok at napunta iyon sa gilid. Mabilis akong tumakbo papasok sa guard house para doon magtago dala dala ang sariling namumutla.

Napasandal ako sa pader at nahipo ang dibdib kong lalabas na ata. Alam ko namang iyong kapatid niya ang sadya niya rito at sinusundo ito pero may kasalanan rin ako sa kanya! Baka bigla niya nalang akong kaladkarin at gantihan! Ano ba itong pinasukan mong kagagahan, Tracy?

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now