Para sayo KAIBIGAN(isang tula)

11.3K 32 19
                                    

AN: hello guys.. i want to dedicate this one to my friend enang..mare thanks for the friendship..salamat sa pkikinig sa mga paulit ulit kong daing sayo..kahit alam kong nakakasawa na..hehe.. take care mare..loveyah muwah..haha

Pagsimula nitong pagkakaibigan di mapaniwalaan

Ramdam kong may mabigat kang pinagdadaanan

Sa iyong mga mata’y  tanaw kong kalungkutan

At mga kilos mo’y balisa at nahihirapan.

Isang umaga’y pumasok kang mga mata’y mugto

Marahil ay umiyak ng nagdaang gabing walang hinto

Ngumiti ka man halatang puso mo’y nagdurugo

Nang ikay lumapit at nagkwento mula unang yugto.

Inaamin kong nagulat ako sa ating usapan

Ngunit kaibigan, ikaw ay aking nauunawaan

Kahit noong una tayo pa’y nagkakahiyaan

Salamat oh aking kaybigan, ako’y  pinagtiwalaan.

Pagkahanap mo ng ligaya, sa puso’y anong tuwa

Sa wakas ikaw ay masaya, sana’y di magsawa

Nawa’y maging matatag, problema’y idaan sa tawa

Narito lang ako, sa kwento mo’y di magsasawa.

Aking pasasalamat, nais kong sambitin

Sa pagputi ng buhok, nawa’y kaybigan pa rin

Huwag ka sanang matakot abutin ang bituin

Sa iyong pagbagsak ika’y sasaluhin. ^_^

-----------------

thanks for reading ...<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Para sayo KAIBIGAN(isang tula)Where stories live. Discover now