Prologue

3.6K 52 2
                                    

Prologue

Harris Niel Dominguez POV

Nakatayo ako sa pinaka-tuktok ng gusaling ito, naiisip ka. How can I live if nauna kana? How can I go on when I keep seeing you in every person that I see?

It's been a month since you left me and yet, naiwan pa rin ako sa kung nasaan at naroon ka.

All your memories keep coming back when I am fully awake, sleeping and dreaming. I can't even focus on my work dahil iniisip kita.

I started breathing heavily and close my eyes, tumayo ako sa pinaka-hangganan ng gusaling ito at hindi na makapag-isip ng maayos.

My eyes are filled with tears now, I miss you so much. And being not with you...torture me.

Can I go now? Can I go with you now up there? I don't care about my life here, I just want to see and embrace you right now.

Kinuyom ko ang aking kamay at sandali na pinikit ang aking mga mata. Naririnig ko ang bawat ingay na likha ng mga sasakyan sa ibaba, ihip ng hangin at huni ng ibon, pero ayoko ng marinig pa ito, gusto ko na lang ngayon ay ang makasama ka.

I don't want my fame anymore, all I want right now is you.

Tuluyang naging blangko ang aking paningin at gumawa ng isang hakbang at tumawid sa naghaharang sa akin upang tumalon.

Pinagmasdan ko ang ibaba ng gusali. The image of my parents smile, my fans, my friends...and even yours.

Nagdalawang isip ako sa lahat, is this okay? Will you accept me if I do this?

Marahas na bumukas ang pintuan ng rooftop at iniluwa nito ang aking hingal na hingal na manager.

Sandali ko lang siyang tiningnan at tumingin ulit sa paligid.

'Yanna, are you willing to accept me again there? Alam kong magagalit ka sa naiisip ko pero ito lang ang nakikita kong solusyon para maibsan ang sakit ng pagkawala mo.

"Harris, Harris, Harris! Anong iniisip mo? Harris!" Natataranta na sigaw sa akin ng aking manager na si Gino.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at sa bawat hakbang na nililikha niya ay mas lalo akong naiiyak.

"Harris, kung ano man ang naiisip mo, hindi magandang ideya 'yan. Think about your family, they cherished and love you as you are right now at hindi nila kakayanin ang pagkawala mo sa buhay nila. Harris please, lumayo ka diyan..." he take a step again.

"Just please don't make it hard for me, Gino." sigaw ko.

"Harris please, if Yanna was still here, for sure she doesn't want you to do this. Harris, please." My eyes filled with tears as I listened to every word he said.

"Kung nandito siya alam kong isa siya sa yayakap sayo at pipigilan ka sa gagawin mo, death is not a solution, Harris! it is not! Being alive is..."

"Pero hindi ko na kaya, Gino!"

"Alam ko, alam ko..." mariin siyang lumunok at nag-isip. "...okay, I will give you your time, I will talk to our network na hayaan kang mag-isip-isip at magpahinga. Ako ang bahala sa lahat, just please huwag mo lang gawin ang naiisip mo. Isipin mo yung mga fans mo, isipin mo kung gaano sila masasaktan kung mawala ka. Please, Harris, h'wag." Mariin akong napapikit at tumingin sa kan'ya.

He held his hands towards me at naghihintay na kunin ko.

"I know mahirap, I witnessed it Harris, alam ko kung gaano mo siya kamahal pero ending you life is not the best ending. Hindi sayo o sa kan'ya matatapos ang mundo. There is always a possibility of holding on, there always hope Harris. Kaya sige na, hawakan mo na ang kamay ko. Please, please" I don't know but I grab his hand....

I feel exhausted, I feel his warm hug after that habang naririnig ko ang paghikbi niya. And my mind went black.

Nagising ako sa napakaliwanag na kwarto where in pagkamulat palang ng aking mata ay ang nag-aalalang mata kaagad ng aking Ina ang bumungad saakin.

Hindi matigil ang kanyang luha habang hinahaplos ang aking mukha at buhok.

"I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit niyang bigkas. I also see my Dad, expressionless.

"Please promise me that you will never do that again, Harris please" pagmamakaawa sa akin ng aking Ina. Tumango ako para mawala ang pangamba niya.

Kaagad na nagpunas ng kanyang luha si Mom ng dumating ang Doctor. She did some tests and checkups.

"Mr. Harris" tawag niya ng pansin ko.

"Yes?"

"Are you comfortable now? Are you okay now?" Blangko ko siyang tiningnan dahil sa kanyang tanong.

"I guess so?"

Lumapad ang ngiti nito sa akin at hindi nagtagal ay pinatawag na sila Mom and Dad sa opisina nito. Pumasok sa loob si Gino habang bakas na bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala.

Natulala lang akong nakatingin sa labas ng kwarto habang pinagmamasdan ang mga puno. I sigh deeply.

Why does it feel like I am empty, why does it feels like I am not loved by anyone. Ako lang ba? I kept looking at my parents, I know they are so fucking worried and loved me but why I feel like nothing, even my Manager Gino.

Tumayo ako at nagpaalam na magbabanyo ng bigla akong matigil dahil nakita ko sila Mom na may importanteng pinag-uusapan kasama ang doctor.

Napasandal ako sa pinto at sandaling pinihit ang pintuan upang marinig ng maayos ang pinag-uusapan nila.

"Mr. Harris are suffering an emotional disease called depression, he maybe look happy on the outside but on the inside he's suffering. Maaring nag-umpisa at na-triggered ito noong namatay ang kanyang kasintahan. Please pay attention to him, as I can see, isa siya sa kilalang artista ngayon. Iiwas niyo po sana siya sa mga bagay-bagay na nag-papa-stress sa kan'ya dahil baka hindi matanggal ay mangyari na naman ang kinakatakutan natin. This is a serious matter, Mr & Mrs. Domingo, he is suicidal right now." Rinig kong sambit ng Doctor sa aking mga magulang. My mom was sobbing while my dad are comforting him. I put a mask at lumayo sa opisina ng doctor na iyon.

I don't know what to do, but all I know is that living right now is very hard for me.

Revision: A Place Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon