Ako at Si Prinsipe Yago

19.9K 446 25
                                    

Book Cover by JohnLloyd Berzuela

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Book Cover by JohnLloyd Berzuela

Kulay ng Tag Ulan

Mula sa Panulat ng Mr. Genius X Mr. Blood Sucker, Sa Piling ni Lucario at My Guardian Devil

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po :)"

June 18, 2014

Wednesday

4:46pm

Ako at Si Prinsipe Yago

"Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Parang kahapon lamang ay normal pa ang aking pamumuhay, ngunit nang dahil sa isang pag kakamali ay nabago ang takbo ng aking mundo. Gusto ko na bumalik sa dati kung saan ang tanging masakit lamang ay ang sugat sa aking tuhod kapag nadarapa at hindi ang aking puso kapag nasasaktan" ito ang pag tangis ko sa aking sarili habang unti unting inilulubog ng malamig na tubig ng lawa ang aking katawan sa kailaliman nito.

Nakabukas ang aking mata habang nakatitig sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Ito ang liwanag na nag mumula sa buwan. Ramdam ko ang marahang pag ka ubos ng aking hininga hanggang sa unti unting nag balik sa aking ala ala ang lahat....

Part 1

Ako si Ned, 18 taong gulang. 5'8" ang tangkad, sided na parang isang koreano ang buhok, mapula ang mga labi, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng pangangatawan dahil batak ito sa gawaing bahay. Maputi ang aking balat at hindi naman sa pag mamayabang ngunit sinasabi nila na gwapo daw ako at hindi nalalayo ang itsura sa mga dugong bughaw sa kabila ng aking pagiging isang alipin.

"Ned! Gumising kana, may trabaho pa tayo sa bukid! Tatamad tamad ka na namang bata ka!" ang sigaw ni Tiyo Manuel habang kinakalampag nito ang pinto ng aking silid.

Agad naman akong bumalikwas sa aking pag kakahiga at agad nag ayos ng aking sarili. "Sandali lang tiyo, susunod na po ako"

Halos ganito lagi ang eksena namin ni tiyo Manuel tuwing umaga. Kami kasi ang nangangalaga sa mga bukirin ni Haring Rafael na sakop ng aming lugar. Ganito lang talaga ang kinabubuhay naming mga alipin o taga silbi sa palasyo. May tatlong uri kasi ng antas ng pamumuhay dito sa aming lugar, ang pinakamataas ay ang mga "dugong bughaw" na kinabibilangan ng mga hari, prinsipe, reyna at ilang mayayamang nilalang. Ang ika-lawa naman ay ang mga "gitna" o yung sakto lamang, hindi mayaman ngunit hindi rin naman mahirap. May mga pinag kukunan sila ng kabuhayan at yaman. At ang ikatlo naman ay ang "alipin" kung saan kami nabibilang, kami yung taga pangalaga ng mga ari arian ng mga mayayaman at taga silbi sa kanilang marangyang pamumuhay.

Sabi sa akin ni Tiyo Manuel, ang ama ko raw ay nabibilang dati sa mga "gitna" dahil matalik na kaibigan ito ng hari. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan daw ay bigla nalang silang nag away dahilan para ipinatapon ang aking ama sa himpilan ng mga alipin hanggang sa doon na ito bawian ng buhay. At tungkol naman daw sa aking ina, matagal na daw itong pumanaw dahil sa komplikasyon sa kanyang panganganak noong isilang ako. Kaya ngayon, tanging si Tiyo Manuel na lamang ang nag tataguyod sa akin.

Ako at Si Prinsipe Yago (BXB 2014)Where stories live. Discover now