sa buhay natin hindi maiiwasan ang magmahal, masaktan, magmahal ulit, masaktan muli, hanggang sa mamanhid ka na lang sa lahat ng sakit na ibinabato ng putanginang mapanghusgang mundong ginagalawan natin.
pero ano nga ba ang meron sa atin at pa ulit ulit ulit ulit tayong masaktan? masyado ba tayong mabait? mapagbigay? o sadyang mga tarantado at hijo de puta lang ang mga taong nagagawa tayong saktan? ang sagot?
hindi ko din alam.
dahil isa din ako sa mga nagmahal at nasaktan na iyan.isa din ako sa mga masyadong nagging mapagbigay, at mabait. nabiktima din ako. ang sagot?
nadala ako sa mga 'mahal kita'.
sabihin na natin na marupok ako. pero ano bang magagawa ko? akala ko siya na. akala ko forever na. pero malupit ang mundo eh. sa sobrang lupit niya ay nawasak ang puso ko ng malupitan.
eto na ako ngayon. ang manunulat na walang mukha at nagkakalat ng kaalaman kung gaano naging mapait ang love story ko.
huwag kayong gagaya sa akin mga ate at kuya. marupok at napagkamalang pokpok, kahit ang totoo ay humaharap ako sa isang pagsubok.
-D.M Zaballa
====
Pabagsak kong isinarado ang laptop ko at pinunasan ang mga mata kong nagbabadyang maging talon.
Ilang taon na ba ang nakalipas? Isa? Dalawa? hindi ko na mabilang. Pero bakit ganito? Siya pa rin ang laman ng utak ko. Na kahit sinaktan niya ako siya pa rin. Siguro nga may saltik na ko.
"ZABALLALALALALAAAAAAAAAA!!!!"agad kong inayos ang aking mga gamit at dali-daling lumabas ng kwarto ko.
"Salamat naman at bumaba ka na Zaballa! Akala ko kinain ka na ng laptop mo!" sabi ni Eustace habang kinakamot ang kilay niya.
"Oo nga brad. Akala namin nahigop ka na." Pagpatol na tukso ni Jeronimo.
Napakamot ako sa batok ko.
Shien Markus Eustace at Dylan Rosse Jeronimo Bestfriend ko since pagkabata.
Sino ako? Ako nga pala si Denmark Marlon Zaballa. Ang manunulat na sinaktan.
"Sorry na. Nawili ako masyado sa pagsusulat eh." sabi ko habang nagtatali ng sintas ng sapatos.
"Ng ano na naman? Ng love story niyo? Pre move on ka na ha? Dalawang taon na ang nakalipas. Kinasal na siya, may anak na si--"
"Oo na pre. Tanggap ko na." sinungaling. "Tara na ma le-late na tayo sa book signing." sabi ko at lumabas na ng pintuan. Sumunod naman siya.
"Pumunta ka ba sa kasal niya?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung gago ba siya o ano eh. Ako pupunta sa kasal ng babaeng minahal ko ng todo pero nahuli kong may katalik na iba? at ang Malala ay kuya ko pa. Hindi naman sa pagiging bitter na hindi ako dumalo sa kasal pero may booksigning ako nung araw na yon.
"Kasama kita nung araw na yon diba? Siraulo ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Ay! Oo nga pala. Hehe." sabi niya at napakamot sa batok.
Pagbaba naming sa basement ay hinanap ko na ang motor ko. Ganun din si Eustace at Jeronimo
"Kita na lang tayo sa SMX." sabi ko at pinaharurot ang motor palayo.
