BEST 4 \(^0^)/ Don't talk to strangers.

Start from the beginning
                                        


Pasimple uli akong tumingin sa kanya.Ang ganda niya talaga ngayon anong okasyon at bakit nakaayos siya? Baka makikipagdate? Tss sino namang makikipagdate sa itsura niya? Pero parang hindi date e,kasi babae ang kasama niya. Pero may katable rin silang lalaking nakacap.

"Nadulas? Bakit mo sisihin ang sahig kung tao naman ang dahilan kung bakit ka napaupo sa sahig? >:) " aniya na parang may pinapahiwatig.

Hindi nalang ako kumibo, at patuloy pa rin ang tingin dun sa babae. " Tsaka bakit kanina ka pa nakantigin sa direksyon na yun?? Love at First Sight o bagong target mo ?" sabi niya sabay tingin sa direksyon kung saan ako tumitingin.

Sasagot na sana ako ng bigla uli siya magsalita "Uhmm maganda siya ha..she looks innocent,tingin mo pag niligawan ko ba yan sasagutin ako niyan?? "saad niya

Napatingin naman ako bigla kay hyung dahil nagulat ako sa sinabi niya.


LILIGAWAN NIYA AGAD? EH HINDI NIYA NGA KILALA YANG BABAENG YAN EH.Kailangan ko siyang pigilan, hindi niya naman kilala yun eh bakit niya liligawan agad ?

"Hindi! " may pagtutol na sabi ko.

"Oh bakit parang kumontra ka naman agad? Hindi ko pa naman sinisimulan ah.. "pagtataka niya.

"Basta hindi mo mapapasagot ng OO yan! " pagdidiin ko

"Bakit kilala mo ba yang babaeng yan para masabi mo yan?"

"Aaa...aaah hehhe hindi...pe-pero wag mong liligawan yan!child abuse ka! " pagdadahilan ko

Tama naman sagot ko ha.Hindi ko naman talaga kilala yung babaeng yun pero naalala ko siya.

"Eh bakit?mukha namang bagay kami? Tsaka hindi naman din ako mukhang matanda ah.POGI naman ako ah.. Maganda siya? Oh anung problema dun?? " puri niya sa sarili niya

"Hindi nga kasi pwede!!! Ni hindi mo nga kilala yan liligawan mo na agad?! "

"Syempre, I have my own ways para makilala siya >:) hindi ko muna siya liligawan but I'll make a move for her to know me > :) haha " masayang sabi niya habang nakatitig sa kanya

Nabahala naman ako dun sa sinabi niya.. Hala anong gagawin nito ni Hyung?? Kung ano man yun kailangan ko siyang pigilan.

"HYUNG AKO NA NAGSASABI SAYO, ITIGIL MO YANG PINAPLANO MO! IKAW DIN MASASAKTAN" walang pagaalinlangan na sabi ko

"Teka nga kanina ka pa kontra ng kontra sakin ha.. Ano ba problema mo Adrian ha? Wag mong sabihin may gusto ka din sa kanya? > : ) " aniya sakin na may kasamang ngisi.

"Yan ba ang bunga ng pagkakabungguan niyo. Inlove ka na din sa kanya no? >:) " sabi niya ng nakatingin sakin na may kasamang malokong ngiti

Oo nga naman bakit nga ko nga siya kinokontra??

Bakit parang ayaw kong makilala nung babaeng yun si Hyung??

>_<

"H-hhindi ah..!! "wala sa sariling sagot ko.


Baka sabihin nun pinagiisipan ko baka pumasok lang sa utak niya na may gusto nga ako dun sa babaeng yun. tss baka.. >.>

Syempre wala!!

>_<

Napatingin naman sakin si Hyung

"Eh bat parang defensive ka? Bukod dun alam mo na agad na hindi niya ako sasagutin? Manghuhula ka ba para malaman yun ? " ani nito na tila hinuhuli ako.

"Hindi ..wala tingin ko lang.." sabi ko tapos iwas ng tingin.


Hayss nadadali ako dahil sa kilos ko kainis!

"Oh hindi naman pala eh..Kaya wag kang kumontra okay > :) .Wag ka magalala aalagaan ko siya hindi tulad mo,hindi ka manlang nagsorry. Tsk tsk napaka ungentleman mo talaga.Ganyan ka ba kapag may nakakabungguan ka?Hindi ka manlang nagsosorry? Tsk! tsk! " aniya habang nakatitig dun sa babae tapos umiling iling

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Where stories live. Discover now