Biro at Imahinasyon
Tila ba isa lamang itong biro
Tila ba isa lamang itong imahinasyon
Ngunit sa paglipas ng mga araw
Dun ko napagtanto na ang biro at imahinasyon ay pwede pa lang maging totoo.
Sa bawat kulitan at asaran
Nakikisakay ako
Yung tipong dumating sa birong ipinakilala ko sya sa magulang ko
Hindi ko inaakala na pwede palang maging totoo ang birong nararamdaman ko.
Gusto ko mang itigil ang kabaliwang ito
Gusto ko mang pigilang mahulog sa patibong na alam ko namang walang sasalo
Pero mas pinili parin ng puso kong manatili kahit nasasaktan na ito.
Hindi mawari ng puso't isipan kung ano bang meron sayo
Basta't ang alam lang nito ay sa hamak na katulad mo naging totoo ang biro't imahinasyong nararamdaman nito.
