Biglag may humintong sasakyan sa harapan ko... O______O tapos bumaba yung windshield.... "Hi...." nginitian ako ni girl.. sobrang puti ng ngipin parang sa commercial...

 

tingin ako sa likod.. wala namang tao... ako kausap nya..?? "hi yourself...." sagot ko na lang.. parang... parang pamilyar sya..

 

Bumukas yung pinto ng kotse... "hatid ka na namin..."

 

Nalunok ko na yata lahat ng laway ko.. Sila yung.... "errrr wag na.... Actually may susundo sakin.."

 

Sabay sabay silang nagsingisihan... i swear nakita kong kumislap ang kanilang mga mata..

 

Oh--owww I smell trouble..

 

Biglang may humila sakin sa loob ng sasakyan.... sabay harurot ng kotse palayo... sobrang bilis ng mga pangyayari...

 

"A--anong gagawin nyo...?" Nagtanong pa ko eh nuh...? Nag cross arm ako.. "hinding hindi nyo makukuha ang puri ko..."

 

nagtinginan sila sa isat isa sabay tawa ng nakakaloka... Bakit hindi ka ba pwedeng rape-in ng babae..? toinx..

 

"Payback was a bitch isnt it...?" sabi nung isa..

 

Ha-lalalalala... patay kang bata ka...

 

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahhh..." may humila sa buhok ko.. Pakiramdam ko matatanggal na yung anit ko sa sobrang lakas nya makahila.. Pinagtulong tulungan nila ko.. Kalmot dito kalmot doon...sipa dito sipa doon...

 

Hindi man lang ako nakapalag... Sobrang lakas nila.. Babae pa ba ang mga ito..?

 

Wala kong nagawa ng yurakan nila ang pagkababae ko este pride ko...

 

Umiikot na ang paningin ko.. duguan ang crime scene.... Wish ko lang mahanap pa ko ng SOCO..

 

Hindi na ko makagulapay ng tigilan nila ko .. basta huminto na lang yung kotse sa kung saan man saka nila ko pinagulong sa kalsada..

 

"Magtatanda ka na siguro nyan.." tawanan na naman sila.. bunugahan pa ko ng usok ng tambutso bago humarurot yung kotse paalis..

 

FIRST BLOOD...

 

I groaned... Feeling ko dumoble ang mukha ko sa sobrang pamamaga.. TT____TT sa nanghihinang katawan pinilit kong abutin yung cellphone ko at pinilit i-dial ang 911...

 

"this is an emergency hotline you are calling---"

 

"H---Hello....?" ako

 

"Press 1 kung babae ang caller Press 2 kung lalaki...."

 

hala..? bakita may ganito...? I press the number 1... "Good Afternoon Mam.. If you want the instruction in English Press 1... kung gusto nyo naman ay Taglish press 2...."

TABOO [FIN]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant