Yedda's POV
"Yedda kailan kaya kita muling makita, upang masilayan ang iyong taglay na kagandahan mga matatamis na ngiti magandang tinig na boses sabik na sabik na akong makita ka"
Natandaan ko nanaman ang mga katagang iyan, tuwing matutulog ako laging may estrangherong lalaki ang nasa panaginip ko ngunit hindi masyadong kita ang kanyang mukha blurred ito.....
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at naka-earphones pinakikingan ko ang mga new discover ko na music habang nagbabsa ng book ewan ko ba kung paano ako na kakafocus sa pagbabasa, Nakakarelax talaga ang music feeling ko ang peaceful ng life ko kapag nakikinig ako ng mga music....
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"Jae lumabas kana diyan magdamag ka ng nakakulong sa kwarto mo!" sigaw ng kuya ko...anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock dito sa room ko whatt?!!! 8:10 pm na hindi lang man ako nakaramdam ng gutom hindi rin ako nag lunch hindi ko napansin ang oras....ngayon ko lang naramdaman ang paggutom ...hahahaha,,, thanks kuya...
"Wait for me kuya bababa na ako" pagkababa ko nakita ko na naghahanda na si kuya ng dinner namin, kami nanaman dalawa ni kuya ang nasa bahay wala nanaman ang parent ko..
"Kuya nasaan sila mom and dad?"tanong ko kay kuya..
"On the way na daw sila natraffic lang" sabi pa ni kuya....teka nga?? Parang ang bait ng kuya George ngayon ahh...
"Kuya may napansin ako sayo ngayon parang may iba" pambitin ko pa sakanya..
"Ano yun jae?? parang wala naman ahh,,," nagtatakang sabi pa niya
"Parang ang bait bait mo kasi ngayon kuya george nanibago lang"sabi ko..
"Mabait naman ako ahh" sabi pa ni kuya..
Hindi ko na siya kinibo pa habang kumakain kami kasi iniisip ko na laging walang time ang parents ko lagi nalang silang nasa work but nasanay na ako since young age....Buti nalang i have brother i'm very lucky to have brother like him kahit na moody tulad ngayon mabait mamaya mag-iba nanaman mood niya... hayyy!!!maya maya pa natapos na kaming kumain
"Kuya akyat na ako may pasok pa ako bukas Goodnight!"sabi ko habang dahan dahan umakyat ng stairs...
"Okay goodnight matulog ka ng maaga baka makinig ka lang buong magdamag ng mga music" sabi niya habang nanonood ng basketball...
Gaya nga ng sinabi ni kuya nakinig muna ako ng mga music sabay kanta at maya maya pa ay napasyahan ko ng matulog....ngunit, kahit anong gawin ko hindi ako makatulog kaya lumabas ako sa balcony ng kwarto ko at bigla ko nanaman naalala ang estrangherong lalaki sa panaginip ko... bakit kaya lagi ko yun nakikita sa panaginip ko siguro nagsimula yun nung 17 years old ako hanggang ngayon na 18 years old na ako...nakaramdam naman ako ng antok kaya natulog na ako...
~~~~~~~~~~~~~~~
" Halika yedda tuturuan kita paano ang mag magic " wika ng lalaki
"Sige basta ikaw ang magtuturo madali ko lang yan matutunan" wika naman ng babae
Tinuruan ng lalaki ang babae kung paano ginagawa ang pagmamagic ...mayamaya lang ay nagyaya na ang babae na magpahinga dahil napapagod na raw siya
"Luis gusto mo bang kumanta ako?" Tanong ng babae sa lalaki..
"Oo naman sige na kanta kana makikinig ako" sabi naman ng lalaki ...
Habang nakapikit ang lalaki at dinadama ang awit ng babae ay naaantok siya dahil sa taglay na ganda ng boses nito at napakanipis....nilabanan niya ang antok at binuksan ang mata, nakita niya ang mga gamit na kanilang ginamit kanina ay nakalutang at paikot-ikot napangiti naman ang lalaki sapagkat nakokontrol na ng babae ang kapangyarihan nito..
YOU ARE READING
Bewitchingly Warble
FantasySi Yedda Jae Castro ay isang ordinaryong babae na mahilig sa mga musika hilig niya rin ang pagbabasa ng iba't ibang libro... Hanggang isang araw mayroong magaganap na magic show sa kanilang lugar nang mabalitaan niya ito parang mayroon na nagtutulak...
