Simula

24 0 2
                                        



"Let's go!" sigaw ng isa sa mga kagrupo ko.

Hingal na hingal ako habang abala sa pagtakbo papalapit sa Downtown. Ngunit nang makita ko ang iilang kalabang wala ring armas tulad ko kay lumihis ako ng landas. Masyado silang marami at tansya kong magpapatayan sila ng sila-sila lang. Maaaring isa ako sa mapapatay nila kung magpapatuloy ako at ayaw ko namang tanggapin ang ganitong hamon dahil unang-una ay wala pa rin akong armas hanggang ngayon.


Sgt.DelaCruz: Nat, village.


Tiningnan ko ng mabuti ang mapa at hindi pa naman huli ang lahat para magpunta akong village. Medyo malayo iyon sa Downtown kung saan ako naroon ngunit kampante naman akong hindi ako mapapatay basta-basta dahil nandyan naman si Sgt.DelaCruz na tansya kong nakakuha ng paborito kong SKS at may kasama pang scope. Napa-iling ako habang papalapit kaming dalawa sa village. Nagpa-iwan siya sa may bundok upang magmasid habang diretso ang takbo ko sa isang bahay na hanggang ikatlong palapag.

Sakto at tama ang tactics ni Sgt.DelaCruz dahil wala nga akong makitang bakas ng tao dito. Pinulot ko ang UMP9 at ang kasamang dalawang 9mm (30) na bala nito. Nakakuha ako ng helmet level 2 at military vest level 3. Dumiretso ako sa ikalawang palapag kung saan natagpuan ko ang isa sa mga gusto kong baril—ang SCAR-L. Agad kong pinulot yun kasama ang bala nito at iyon ang ginamit. Pinulot ko ang bag na may 200 capacity at ang energy drink na nakita ko. Sa ikatlong palapag naman ay natagpuan ko ang 4x scope na kakailanganin ko at dalawang first aid kit kasama ang dalawang bandages (10).

Tumalon ako upang makangalap pa ng ibang kakailanganin sa ibang kalapit bahay. Napatalon ako sa gulat nang makita si Number 3, isa sa mga kakampi ko na ang pangalan ay Mongol451. Napailing na lamang ako nang makitang pistol palang ang nakukuha niya. Bago pa ako makalayo ng husto sa kanya ay dinig ko ang pagputok ng baril malapit sa amin. Tiningnan ko ang mapa at nakita ang kulay kahel malapit kay number 3.

"Duck! Duck!" sigaw ko habang binabaril ang kalaban malapit kay Number 3.


You knocked out HuhulaDaumwe with SCAR-L


Bago ko pa tuluyang mapatay ang kalaban ay narinig ko na ang sigaw ni Number 3.

"Help!" luminga-linga ako't nakita siya sa 'di kalayuang pwesto kung saan ako.

Tiningnan ko ang status niya at kunti nalang ay tansya kong kailangan ko na siyang i-revive muli. Ikinabit ko ang 4x scope ko sa SCAR-L na gamit ko. Tinukod ko ang isang tuhod ko sa lupa at sinilip sa aking scope ang kalabang bumabaril sa aking kakampi. Tiningnan kong muli ang status ni Number 3 at nakita kong kailangan ko na siya i-revive, nasa kalahati na ang red life nito.

Binalik ko ang pansin sa kalaban at inayos ang pagkakatutok ng baril sa kanya. Hinanap ko ang ulo niya at doon tinutok ang baril kong hawak habang siya'y nakadapa sa damuhan at nagtatangkang tapusin ang buhay ng kakampi ko.

"Bull's eye," bulong ko sa sarili at kinalabit ang SCAR-L kong baril na nakatutok sa kanyang ulo.


You killed John123mob by headshot with SCAR-L. 28 left.


"Nice," bulong ko ulit sa sarili habang tumatakbo ng mabilis papalapit kay Number 3. Agad akong lumuhod para ma-irevive ang naghihingalo kong kakampi.

"Impressive." Sabi ni Number 3 na kaagad kong tinugunan.


LoudeSang: You have kit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Digital SecondWhere stories live. Discover now