Sa paaralan ng Union National High School, mayroong isang estudyante na ang pangalan ay Kent. Siya ay isang matalino, mabait, masipag, talented at tahimik pero mapagmahal. Nakatuon lang sa pag aaral si Kent. Ni minsan hindi siya nagkakagusto dahil gusto niyang makapagtapos ng pag aaral para matulungan niya ang kanyang pamilya na iahon sa kahirapan.
Unang araw ng klase, maagang pumasok si Kent kasama ang dalawang kaibigan nitong si Roy at Ronnie. Pagpasok pa lang nilang tatlo sa kanilang bagong kwarto bilang Grade 10 student, napapalingon ang mga babaeng wari nila ay mga kaklase niya. Hindi makakaila na puro silang gwapo. Sa kanilang tatlo si Kent lang ang hindi mahilig sa babae. Maraming babae ang humahanga at sana papansinin sila ng tatlo. At isa na doon si Joy. Si Joy ay kaklase ni Kent simula noong Grade 7. Dahil palagi pag aaral lang ang inaatupag ni Kent, hindi niya alam na matagal ng humahanga sa kanya si Joy. Hindi nga alam ni Kent kung may Joy na kaklase na nag eexist sa eskwelahan ng Union National High School. Hindi makatiis si Joy na hindi siya makilala ni Kent. Lakas loob siyang kinausap si Kent. Hi! Ako pala si Joy. Magkakalase na atuo noong Grade 7. Sabi ni Joy kay Kent sabay lahad ng kanyang kamay para makipag hand shake kay Kent. Tiningnan lang ni Kent ang kamay ni Joy na nakalahad sa kanyang harapan.Tapos binaling niya na ang kanyang atensiyon sa sa binabasang aklat. Mahilig kasi magbasa si Kent ng libro. Palagi siyang nag aadvance reading ng mga lessons, para kung mag tatanong man ang kanilang titser ay maisasagot siyang tama. Biglang siniko ni Roy si Kent at sinabihan niya si kent na "Pare gustong makipagkilala ang matagal na nating kaklase na si Joy. Tsk! Yan lang ang sagot ni Kent. Nahihiya si Joy sa inasal ni Kent sa kanya. Kaya binaba ni Joy ang kanyang kamay at balak niya na lang bumalik sa upuan. Samantala, pinagsabihan ni Roy si Kent; ano ka ba Kent? Maayos naman ang pagkikipah usap sayo noong tao! Ba't ganun ang ginawa mo sa kanya. Pare baguhin m naman ugali mo. Maraming gustong makipagkaibigan sayo pero nahihiya o natatakot sila dahil stiff at tahimik ka. Makonsensiya ka naman pare. Dahil ayaw na ni Kent na humaba ang sermon ni Roy, biglang hinawakan ni Kent ang kanang braso ni Joy. Nagulat na bumaling si Joy sa kay Kent. Nagtataka siya bakit hinawakan ni Kent ang kanyang braso. Kahit nasaktan siya at nagtampo, nanigingibabaw ang saya na naramdaman ni Joy. Sa wakas napansin din siya ng taong gusto niya simula pa noong una. Pinipigilan ni Joy ang kanyang sarili na kiligan si Joy. Nanenerbyos siya dahil sa nangyayari ngayon. Sorry, sa inasal ko kanina. Nice meeting you Joy. Ako nga pala si Kent. Pasensiya ka na kung hindi kita napapansin na magkaklase pala tayo simula noong Grade 7. Pag aaral lang kasi ang inaatupag ko e! Sabi ni Kent kay Joy. Okey lang yun! Ano ka ba! Sabi ni Joy. Masaya ako na makilala ka Kent. Sana maging magkaibigan tayo.
Masayang bumalik sa upuan si Joy. Sa wakas nakausap ko na siya at nahawakan. Ang sabi ni Joy sa kanyang sarili. Samantala, napapaisip si Kent sa nangyari. Masyado ba akong stiff sa mga kaklase ko? Kailangan ko na sigurong baguhin ang sarili ko para hindi mahiya o mailang ang mga kaklase ko sa akin. Kaya pala simula noong Grade 7 walang kumakausap sa akin dahil naiilang sila kasi ako palakaibigan katulad nila Roy at Ronnie. Puro na lang libro ang nakakasama ko. Samantala, masaya na nagtitinginan si Roy at Ronnie sa isa't isa. Masaya sila dahil unti unting nagbabago si Kent. Alam nila na matagal ng may gusto si Joy kay Kent. Sa tuwing nakatingin kasi si Joy sa kay Kent noon iba talaga ang tingin ni Joy kay Kent. Panalangin nila para sa kanilang kaibigan na sana buksan ni Kent ang kanyang sarili sa ibang tao para dumami ang maging kaibigan ng kaibigan.
Makalipas ang mga araw palagi ng sumasama si Joy kina Kent. Naging magbestfriend na silang dalawa. Sabay na sila pumapasok dalawa papuntang eskwelahan. Hindi kasi lingid sa kaalaman ni Kent, magkapitbahay lang pala sila ni Joy. Kaya't masayang masaya si Joy dahil sa wakas naging mabuting kaibigan na sila ni Kent at hanggang ngayon lalo pang yumayabong ang paghanga ni Joy sa kay Kent dahil hindi lang mabuting mag aaral, kaibigan si Kent kundi mabuti rin itong anak at kapatid.
Samantala, si Kent naman ay nag iiba na ang nararamdaman niya kay Joy. Hindi na pagmamahal bilang kaibigan ang nararamdaman niya kay Joy. Aminado ang binata na hindi mahirap mahalin si Joy. Kaya kinausap ni Kent sina Roy at Ronnie tungkol sa nararamdaman niya kay Joy. Roy at Ronnie, gusto ko sanang humingi ng payo sainyo guys. Sabi ni Kent. Ano ba yon pare? Sabay na sabi nina Roy at Ronnie. May nagugustuhan akong babae! Kaya lang Pare natatakot ako na baka lumayo siya pagnalaman niya kung ano nararamdaman ko sa kanya! Ang sabi ni Kent sa dalawa. Ayaw kung masira ang pagkakaibigan namin. pagpatuloy na sabi ng binata. Pare alam na namin kung sino tinutukoy mo Pare ang sabi ni Ronnie. Alam mo pare, bakit di mo subukan? Hindi mo malalaman kung ano reaksyon niya sa nararamdaman mo kung hindi mo ipapaalam mo sa kanya kung ano nararamdaman mo.sani ni Roy kay Kent. Oo nga pare. Tutulungan ka namin pare sa panliligaw sa kanya. Sabi ni Ronnie kay Kent. What are friends for! Saad naman ni Roy.
