Mga panaginip ko'y naging kakaiba;
Simula nang sya ay aking makita,
Isang binata ang nagigisnan sa tuwina
sa aking mga panaginip at mga pantasya.
Alam kong may mali at tila ako'y baliw,
pero ang manabik sa kanya'y hindi ko mapigil,
Kapag sya ay aking nakikita, kakaiba ang nadarama,
na para bang siya lamang dahilan kung bakit ako'y humihinga pa.
Ano nga ba ang tawag sa damdaming ito?
na aking nararamdaman para sa isang estranghero,
na tingin ko'y wala naman talaga sa mundong ito
Sya'y likha lamang yata ng malikot na imahinasyon ko
Oo, hibang na kung hibang pero parati padin akong maghihintay,
sa iyo, oh.. aking mahal habang ako'y nabubuhay,
Alam kong sa panaginip lang kita makakasama sa tuwina,
Kaya't lulubos-lubusin na ang mga panahong nakakapiling ka.
~ Arcel Dasco
BINABASA MO ANG
☪ Demon Kissed
Romance♀ Maria Cassiel Dasco (ARCEL) ♂Sxylus (SAYL) naughtyprincess07 Tetskie Alvaro © 2014