Inverted feelings

18 0 0
                                        

Nasa school ako ngayon. Nag aantay ng makakakuwentuhan. Sabihin niyo nang ako ang pinaka friendly dito pero sa iisang tao lang ako open.

Si Lite.

"Oh, bruha. Bat andito ka?"

Haaays. Ewan kung magkaibigan pa ba kami. Eh sa tingin ko, walang araw na di kami nagkasagutan.

"Walang magawa sa court. Puro maingay ang makikita mo dun. Hiyang hiya naman din ako sayo, qaqa!"

"Ay waaaw! Puro maiingay? Sa tingin ko, may tumilapon dito na kalahi nila." Pang aasar niya.

Kung alam ko lang kung eto pala ipupunta niya.

"Hindi na sana ako pupunta rito kung di ako pinatawag ng magaling kong kaibigan." Pag eexplain ko.

"Hay sus! Eh, hindi na sana din kita papapuntahin rito kung di mo sinubsob mukha mo dun kanina. Anu ba kasi nangyari?"

Umupo ako ng maayos at nagkuwento. Nakakahiya kasi yung kanina. May competition kasi kami ngayon. The one who'll have the best recipe at may pinakamasarap, mananalo. Kaso, pumalpak ako. Not in the competetion though, Sa katunayan, kami yung nanalo. Sadyang ako lang ang kaisa isang nagpahiya sa section namin.

"Ganun? You mean, si Jace? Binasted ka?"

Unfortunately, di ako pinagpala sa lovelife. At lalo na sa pagkakaroon ng matinong kaibigan. Pinapunta ko siya rito para may private talk kami, pero sa tingin ko, malabong mangyari yun. Kulang na lang isigaw niya yun eh.

"Oo. Hindi ko na alam gagawin ko. Nakakahiya! Ako na nga tong babae, ako pa tong nabasted! Haays!" Sabi ko at isinandal ang katawan ko sa upuan.

Teka. Tawang tawa ba siya?

H-huh? Pinagtatawanan ba niya ako? Teka. Anu bang nakakatawa dun? Diba dapat, kinocomfort niya ako? Bat siy--

"Putek!" Napalundag ako sa gulat ng may mahulog sa likod ko.

Nasa room kasi kami at talagang magulo ang upuan dahil sa event. Napatiklop ako at ilang segundo pa, hinanap ko na yung nakikinig sa amin.

"J-j-jace?"

Parehas kaming natahimik. Kaming tatlo na dahil nakaramdam ng awkwardness si Lite.

Tatlong minuto sigurong binalot kami ng katahimikan at binasag na niya din sa wakas.

"Hindi kita binasted. Nakakaoffend ka naman."

Tawang tawa naman tong magaling kong kaibigan. Nakatitig lang ako sakaniya. Dapat na ba akong magpanic? Tatakbo na ba ako? Anu bang dapat kong gawin??? Wala namang nagbago sa tibok ng puso ko. Okay lang siya.

"Eh anu palang ginawa mo kanina?" Pagdedepensa naman kunyare ng magaling kong bestfriend.

"Hindi ko alam na nakakahurt pala yun. Di ko lang talaga alam isasagot ko dahil ayaw ko makasakit. Pero di ko alam na nasaktan ka pala dun. At hindi lang yun. Napahiya ka na pala." Pageexplain niya na mas ikinatili naman ng bestfriend ko

"So... hindi mo nga siya binasted?"

Teka. Ako ba nakikithird wheel rito? Bat parang silang dalawa na ang nag uusap?

Nakatitig pa din ako at lumipas ang isang minuto, nakalabas na din si Lite. Sa labas siya naghintay. Alam niya na mag uusap kami.

"Hindi kita binasted."

"Ha?"

"Hindi lang talaga ako marunong sa ganiyan. Hindi ako ready sa mga ganiyang bagay."

"Galit ka?" Haynaku! Traydor na bunganga to! Pangunahan ba naman ako!

I Loved You Since Before (One shot story)Stories to obsess over. Discover now