Naranasan mo na bang mamuhay ng payapa, ng tahimik at maayos?
Naranasan mo ba sa buhay ang tamis, ang paid, at sarap?
Naranasan mo ba ang hinahangad mong buhay sa mahabang panahon?
Naranasan mo na bang may nag-alaga , nag-alala, nagmahal at pumoprotekta sayong Tao?
At naranasan mo na ba kung paano umiyak ng mawala lahat ng minamahal mo?
Sa bawat araw na nagdaan, ilang buwan ang lumipas, saksi ang mata ko sa kahit anong karahasan.
Saksi ang tenga ko sa bawat hinagpis, iyak at pagmamakaawa ng mga Tao sa kanilang kamatayan.
Saksi ako sa bawat hagupit ng kapalaran sa buhay ng bawat Tao.
Isa akong anghel, isa rin akong kamatayan.
Nagliligtas ako, pumapatay ako.
Malinis ang aking puso, madumi ang aking mga kamay.
Mabuti ako, masama rin ako.
Kaya kong pumatay, kaya kong bumuhay.
Mag-ingat ka. Nasa paligid lang ako.
BINABASA MO ANG
Angel Of Death
FantasyNapilitan si Mara na ilantad ang kanyang pagkatao sa tawag ng pangangailangan ng iba. Nag-iisa sa buhay at pilit na binubuhay ang sarili sa malupit na mundo. Gawain niya lagi: tulog sa umaga, gising sa gabi. Dahil sa makasariling pag-aagawan ng t...
